Bossing ng network suko na sa magka-love team na maraming fans pero hindi umaabante ang career
Pati bossing ng isang network parang give up na sa isang bini-build up nilang love team at ito mismo ang nagsabing itigil na ang pagbibigay ng project sa magka-love team. Hindi lang alam kung pinagpapahinga lang ang dalawa o tuluy-tuloy nang tsinugi.
Kaya sa bagong projects ng magka-love team, iba na ang kanilang kapareha and, hopefully, tanggapin ang mga bagong ipinapareha sa kanila ngayon.
Naguluhan din siguro ang bossing ng network dahil kahit maraming fans at may kilig ang tambalan ng dating magka-love team, hindi pa rin sila umaabante ng husto. Parang may malaking hadlang kung bakit hindi sumikat ng husto ang love team ng dalawa.
Jericho makikipag-reconcile din kay Anne
Tama ba kaming three-picture contract ang pinirnahan ni Jericho Rosales sa Viva Films kaya bukod sa nababalitang pelikula nila ni Heart Evangelista, may movie project din sila ni Anne Curtis? Kung matutuloy, reunion movie nila iyon dahil nagsama na sila sa Baler.
Pero mauuna yata ang pagsasamahan nina Jericho at Andi Eugenmann dahil nag-storycon na sila at may pictures na na-post sa Instagram account nila. Ito’ yung movie adaptation ng popular book ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAko to be directed by Mark Meiley.
Excited ang mga nakabasa ng libro na mapanood ang movie version ng favorite book nila, pero may mga nagdududa rin sa pagkakapili kina Jericho at Andi para bigyang buhay ang mahal nilang karakter ng libro.
Isa pang nagpapa-high kay Jericho ay ang Oct. 9 commercial release ng award-winning film niyang Alagwa na tungkol sa human trafficking. Nabigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board at nagpapanalo sa actor ng best actor sa Urian, Gawad Tanglaw, at sa 2013 Newport Beach Film Festival.
Sa direction ni Ian Lorenos, kasama sa cast sina Bugoy Cariño, NaÂnette Inventor, Smokey Manaloto, John Manalo, Gary Lim, Leo Martinez, at may special participation si Carmen Soo. Si Jericho rin ang producer ng movie to be released by Star Cinema.
Louise ipapa-auction ang damit na isinuot sa birthday party
Ang BF na si Enzo Pineda ang nanguna sa pagbati kay Louise delos Reyes nang mag-celebrate ito ng 21st birthday sa Prive Luxury Club sa The Fort, Taguig City. Imbitado rin ang pamilya at showbiz friends ng aktres.
Suot ni Louise sa party ang damit na gawa ni Cherry Venom na ipapa-auction online via www.cherryvenomclothing.com and proceeds will go to GMA Kapuso Foundation.
Bago pa ang party, naibigay na ni Enzo ang gift niyang Tiffany bracelet at branded pouch. Pinasalamatan ni Louise ang kanyang “Bubba†sa gifts nito kaya tigilan ang press release na nag-break sila.
- Latest