^

PSN Showbiz

PNP may kinikilingan?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May kinikilingan nga ba ang Philippine National Police (PNP) sa pagresolba ng krimen dahil pinipili umano nito ang mga kasong paglalaanan ng pabuya? Iyan ang aalamin ni Ted Failon nga­yong Sabado (Setyembre 28) sa Failon Ngayon.

Isa ang pagpatay sa advertising executive na si Kae Davantes noong Setyembre 7 sa mainit na pinag-uusapan ngayon dahil bukod sa karu­mal-dumal na krimen ay naging mabilis ang pag-usad ng kaso. Katunayan nito ay ang pagkakadakip sa ilang salarin ng krimen matapos itaas ng pangulo sa P2 milyon ang pabuyang P500,000 na naunang ipinataw ng PNP at ng pamahalaang lokal ng Las Piñas para sa makakapagturo sa mga suspek.

Bagamat marami ang natuwa sa progreso nito ay inulan rin ito ng batikos gayung hindi naman daw lahat ng krimen ay natututukan ng pulisya at sinusuportahan ng gobyerno. Paano nga ba pinagdedesis­yunan kung dapat magpataw ng pabuya para sa ikalulutas ng kaso?

Tatalakayin din sa episode ang pagbibigay ng Christ­mas bonus o 13th month pay sa mga em­ple­yado dahil bagamat mandato ayon sa batas ang pagbibigay nito, marami pa ring emplo­yers ang lumalabag dito.

Panoorin ang mas matinding Failon Ngayon ngayong Sabado (Setyembre 28), 4:45 PM, pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN.

 

FAILON NGAYON

KAE DAVANTES

LAS PI

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SABADO

SETYEMBRE

SHY

TED FAILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with