^

PSN Showbiz

Pasaring ni Direk Erik sa ‘pagkalaglag’ ng OTJ sa Oscars binanatan ni Direk Peque Gallaga

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Magkakaroon pa yata ng word war sina directors Peque Gallaga at Erik Matti dahil sa Transit, ang pelikulang napili ng Film Academy of the Phillipines (FAP) na pinamumunuan ng una na entry sa best foreign film category sa Oscars.

Sa presscon ng On the Job sa Glendale, California, nabanggit ni Direk Erik na nasorpresa siya sa pagkakapili ng Transit para i-submit sa Oscars. Ang feeling ng director, may politicians na humarang para ang On the Job ang mapiling i-submit dahil sa “political nature” ng pelikula.

Nakarating kay Direk Peque ang kanyang sinabi at sumagot: “Transit was chosen because of its portrayal of the Filipinos’ struggle and culture. Thy Womb shows the Philippines as an ethnic entity. On the Job shows the underbelly of our criminal and political system. Transit is about us as a people struggling to make a living about the love and the sacrifices we made for the people we care about. In Transit we want the world to see us as Filipinos. It was very strong, it got a five-two vote.”

Binanggit din ni Direk Peque na twice nagkaroon ng deliberation ang selecting committee ng FAP at ang biggest consideration sa pagkakapili ng Transit ay ang “technical mastery.”

Pero ang hirit pa niya, “Okay lang to be very disappointed pero ’wag lang pikon” at “who does he think he is, the savior of the industry?”

Sa huling binanggit ni Direk Peque wala pang sagot si Direk Erik. Pero hindi ba friends ang dalawa dati at magkababayan pa?

Magkano… para kina Marian at Alden sana

Ikinatutuwa ni Direk Maryo J. delos Reyes ’pag nakakarinig ng comment na pang-telebabad ang cast ng Magkano Ba ang Pangarap? at hindi pang-Afternoon Prime. Wala raw time slot sa telebabad kaya no choice kundi ilagay ito sa afternoon time slot.

Gusto ni Direk Maryo ang cast ng soap na magsisimulang mapanood sa Lunes, pagkatapos ng Mga Basang Sisiw dahil puro magagaling. Sabi nito, lahat mabibigyan ng moment at tiniyak na hindi lang ito basta iyakan.

Kinumpirma ng director na sina Marian Rivera at Alden Richards ang unang na-consider sa role nina Heart Evangelista at Dominic Roco pero nagkaroon ng pagbabago. Bibigyan ng separate soap sina Marian at Alden.

Samantala, may mall show ang cast ng Magkano Ba ang Pag-ibig? sa Sunday, Sept. 29 sa SM Muntinlupa.

Kris Bernal pinagmamasdan si Aljur kapag tulog

Nag-post ng picture si Kris Bernal sa Instagram kung saan tini­tingnan niya si Aljur Abrenica habang natutulog sa set ng taping nila ng Prinsesa ng Buhay Ko. Ang caption ng picture ay nakunan din niya finally si Nick (Aljur) na natutulog.

Naku, wala sanang magalit kay Kris dahil naalala naming sa past shows nila ni Aljur at nag-post siya ng candid photos nila ay may grupo ng fans na nagalit sa kanya. Sabagay, wala naman talagang relasyon ang dalawa maliban sa magka-love team kaya sana ay walang away-away.

Siyanga pala, nakakatuwa si Carl Guevarra dahil kahit nagdi-deny si Kris sa relasyon nila, suportado pa rin nito ang rumored girlfriend. Sa kanyang Instagram account, nag-post si Carl ng poster ng Prinsesa ng Buhay Ko at picture lang ng aktres ang nakalagay. Dinedma nito sina Aljur at Renz Fernandez.

GMA walang planong bitiwan si Raymart

Ang gagaling ng mga artistang makakasama nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona sa remake ng Villa Quintana. Hindi kaya ma-pressure ang dalawa na makipagsabayan sa aktingan kina Sunshine Dizon, Paolo Contis, at Roy Alvarez?

Nasa cast din sina Maricar de Mesa, Rita de Guzman, Juancho Triviño, Marky Lopez, at Raymart Santiago. Patunay ito na suportado si Raymart ng GMA Network at hindi totoong binitiwan ng network dahil sa controversies na kinakaharap laban kay Claudine Barretto.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ALDEN RICHARDS

ALJUR

BUHAY KO

DIREK ERIK

DIREK PEQUE

KRIS BERNAL

MAGKANO BA

ON THE JOB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with