^

PSN Showbiz

Sunod kay ER: Mayor Erap susunod na tsutsugihin sa puwesto?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sad at shocked si  Laguna  Governor ER Ejercito sa desisyon ng Comelec First Division na i-disqualify siya dahil sa overspending noong May 2013 elections. Para kay Papa ER, biktima siya kaya nag-emote ang gobernador sa kanyang Facebook account:

“Nakakalungkot…nakakagulat. Hindi ko inaasahan na ako ay magiging biktima ng lumalalang pulitika. Trabaho lang at serbisyo publiko ang pakay ko at ang kapakanan ng aking mga kalalawigan ang aking layunin.

“Hindi pa tapos ang kaso. Tuloy-tuloy pa po ang laban at samantalang gumugulong ang proseso, ako pa rin po ang gobernador ng Lalawigan ng Laguna. WALANG MAGBABAGO SA PAMAMAHALA AT TULOY-TULOY PO ANG ATING PAGSESERBISYO SA LALAWIGAN.

“Patuloy po naming ipapaliwanag sa Kagalang-galang na COMELEC kung bakit hindi tama ang kanilang desisyon. Sa bandang huli, lahat ng ito ay aking malalampasan, mananaig ang katotohanan at kapangyarihan ng batas ang iiral.

“THE COMELEC DECISION IS NOT YET FINAL AND EXECUTORY. I am entitled to file a motion for reconsideration and pending resolution thereof, I WILL REMAIN TO BE THE GOVERNOR OF THE PROVINCE OF LAGUNA. As to the merits or demerits of the case, I will leave that to my lawyers. I just hope and pray that evil politics is not behind all these. For now, let it be known – that I have full trust and confidence on the integrity of the COMELEC. In the end, justice will prevail and the truth will come out.”

Hindi nag-iisa si Papa  ER dahil may inihain din na disqualification case laban kay Manila City Mayor Joseph Estrada at ayon sa balita na nakarating sa akin, lalabas sa December ang desisyon ng Supreme Court.

Lovi dadayo sa Diyandi Festival

Dadalaw ngayon sa Iligan, Lanao del Norte si Lovi Poe dahil special guest siya sa Diyandi Festival.

Huwag na ninyong itanong sa akin kung ano ang Diyandi Festival dahil bago rin ito sa pandinig ko. Tama na ‘yung hanga ako kay Lovi dahil pupunta siya sa isang lugar na napakalayo para i-promote ang teleserye niya sa Kapuso Network, ang Akin Pa Rin Ang Bukas.

Kalaban ng Startalk, babu na naman sa ere

Wala akong reaksiyon sa balita na tsugi o last day na ngayon ng  TV show na katapat ng Startalk.

Sanay na ako na may mga nakakalaban na showbiz talk show ang Startalk pero hindi nagtatagal.

Hindi naman ang mga competitor ang concern namin sa Startalk dahil mas mahalaga ang paghahatid namin sa lahat ng hottest showbiz news na totoo at hindi produkto ng mga fertile imagination.

Nagpapasalamat kami sa loyal viewers ng Startalk na hindi pinababayaan ang aming Saturday afternoon show. A trillion thanks sa inyong walang sawa na pagsuporta sa longest running showbiz talk show ng bansa.

Kapwa Pinoy sinisiraan si Megan para hindi manalo sa Miss World

Nakakaloka ang tsismis na mga kapwa Pilipino ang nagreklamo sa Miss World Organization tungkol sa topless photos ni Megan Young kaya hindi ito dapat mag-win sa nasabing beauty contest.

Umiral na naman ang utak talangka ng mga kababayan natin na ayaw makita na nagtatagumpay ang isang Pilipina sa mga international beauty contest. If I know, mga talunan sila sa mga beauty pageant  at hindi nila matanggap na gumagawa ng ingay ang pangalan ni Megan sa Miss World.

Malawak ang pag-iisip ng organizer ng Miss World. Hindi sila basta nagpapaapekto sa mga paninira. Wish ko talaga na makuha ni Megan ang korona para mapahiya at magmukhang tanga ang mga utak talangka!

 

AKIN PA RIN ANG BUKAS

COMELEC FIRST DIVISION

DIYANDI FESTIVAL

MEGAN

MISS WORLD

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with