^

PSN Showbiz

Julie Anne San Jose magpapakilig sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling magpapakilig ang Kapuso Pop Superstar Julie Anne San Jose sa episode ngayong Sabado (Setyembre 28) sa weekend series na Maynila.

Bukod sa kanyang pinakabagong primetime musical drama series na Kahit Nasaan Ka Man, mapapanood na si Julie Anne kasama ang Ultimate Bad Boy of the Dance Floor na si Mark Herras.

Sa episode ngayong Sabado na pinamagatang Haunted House of Love, gagampanan ni Julie Anne ang role ni Mellah. Kinatatakutan ang lumang bahay at ang nakatira ritong si Lola Chedeng. Isang aswang kung ituring ng mga kapitbahay si Lola Chedeng kaya naman nang magbakasyon ang apong si Mellah, pati siya ay napagkakamalang white lady dahil na rin sa hilig nitong magsuot ng mga puting damit.  

Ngunit iba ang magiging pagtingin ni Dax (Mark Herras). Imbes na matakot at layuan ay higit pa nitong gustong makilala si Mellah. Mahulog na rin kaya ang loob ni Mellah kay Dax?

Mapapanood ang Maynila tuwing Sabado ng umaga pagkatapos ng Sarap Diva sa GMA 7.

 

 

DAX

HAUNTED HOUSE OF LOVE

JULIE ANNE

KAHIT NASAAN KA MAN

KAPUSO POP SUPERSTAR JULIE ANNE SAN JOSE

LOLA CHEDENG

MARK HERRAS

MAYNILA

SABADO

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with