^

PSN Showbiz

Bamboo ayaw talagang maging artista!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala talaga sa vocabulary ni Bamboo ang mag-artista. Mabilis na “99.5 % no” ang answer niya sa tanong kung bakit hindi niya i-try magteleserye or pelikula. Sabi ni Bamboo na may unique partnership ng Globe Tattoo Home Broadband, enjoy siya sa ginagawa niya ngayon at hindi niya nakikita ang sarili na umaarte. “I don’t think ready na rin silang makita ang acting ko,” sabay tawa ng multi-awarded rock maestro na si Francisco Gaudencio Lope Belardo Manalac (Bamboo).

Katuwiran pa ng dating bokalista ng Rivermaya, hindi niya kayang mag-commit ng oras sa pelikula or teleserye. Though admitted siyang may mga offer sa kanya, pero consistent nga na no ang sagot niya.

OK sa kanya in case na may mag-offer na gumawa siya ng musical score sa pelikula or serye.

Film major siya sa college kaya lang talagang masaya siya sa pagi­ging singer. “That’s why I like The Voice. That’s me,” komento niya na isa sa mga mentor ng The Voice of the Philippines ng ABS-CBN na finals na sa Linggo. Kasama niyang mentor sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, and Apl.De.Ap.

Anyway, sa kabila ng kanyang pagiging rocker wala pala siyang tattoo sa katawan. Ang tattoo na makikita sa kanyang Tattoo Home Broadband commercial ay ginawa niya lang for that particular endorsement. Ang biruan nga puwedeng-puwede siyang mag-donate ng dugo dahil ‘malinis’ nga ang katawan niya na bibihira sa tulad niyang rocker.

May ilalabas na bagong album ang singer na all original.

Hindi pa natatagalan nang ire-released ang kanyang No Water No Moon album kung saan nakasama ang latest single niyang Ca­rousel na ginamit sa campaigns ng kanyang partnership sa Tattoo Home Broadband na may Internet and landline plans with faster speeds and Unli­mited Landline Calling to Globe/TM na first and only one in the market today. For more details, please visit www.tattooo.globe.com.ph.

vuukle comment

FRANCISCO GAUDENCIO LOPE BELARDO MANALAC

GLOBE TATTOO HOME BROADBAND

LANDLINE CALLING

LEA SALONGA

NIYA

NO WATER NO MOON

SARAH GERONIMO

TATTOO HOME BROADBAND

VOICE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with