^

PSN Showbiz

Angel Aquino pumayag makipag-laplapan sa batang tomboyita

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung sa nakaraang Cinemalaya Film Festival ay ang Ekstra ng Star For All Seasons at kasalukuyang gobernador ng Batangas na si Vilma Santos ang namayani, sa natapos kahapong CineFilipino Film Festival ay ang pelikula naman ng Superstar na si Nora Aunor na Kuwento ni Mabuti ang sold out sa lahat ng pagpapalabas nito kaya naman kahit natapos na ang  isa pang pista ng pelikulang indie, isang linggo pang mapapanood ang obra ni Mes de Guzman. Nanalo ng Best Picture ang pelikula ni Nora, ka-tie ng Ang Huling Cha Cha ni Anita at Best Director para kay De Guzman.

Bigo ang Superstar na masungkit ang Best Actress na napanalunan ng 13 taong gulang na bida ng Ang Huling Cha Cha… na si Teri Malvar. Unang movie ito ni Teri na kung saan ay gumaganap siyang isang 12 taong gulang na tomboyita na may crush kay Angel Aquino. Mayroon pa silang kissing scene ni Angel na ang aktres mismo ang nag-guide sa bata na nasa seventh grade sa Immaculate Heart of Mary College sa Parañaque. Sa pelikulang ito rin napanalunan ni Angel ang kanyang Best Supporting Actress award.

Sa kabila ng pagkatalo ni Nora, excited ito na masimulan na ang trabaho niya sa Dementia, isang suspense/horror indie film din.

Gerald maraming pinaiiyak

Maraming napapaiyak si Gerald Anderson sa serye niyang Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Ke­ring-keri niyang dalhin ang role ng isang lalaking nag­mamahal nang lubos sa kanyang nobya, pero ka­ilangan niya itong pakawalan dahil wala itong kinabukasan sa kanya.

Unti-unti na ring nagbabago ang character ni Dina Bonnevie. Kung dati ay nagagalit ka sa kanya dahil sa ginagawa niyang paghihiganti sa babaeng na­ging dahilan nang pag-iwan sa kanya ng kanyang asawa at ama ng kanyang anak, ngayon ay alam  na ng mga ma­no­nood ang kanyang pinagdadaa­nan. Lalo siyang nagiging kaawa-awa nang ma­lamang maaring sangkot ang kanyang anak na ginagampanan ni Rayver Cruz sa krimen na pinagbabayaran ni Gerald sa kulungan.

At si Rayver Cruz, magiging maga­ling siyang anti hero kung mamimintina niya ang pagiging salbahe ng kanyang character kahit sa pamamagitan lamang ng facial expression. Walang hindi magsasabi na epitome siya ng kasamaan sa isa niyang eksena na lu­malabas sila ng kulungan ni Cristine Reyes, matapos nilang bisitahin si Gerald.

‘Di tulad ni Enchong Dee sa Muling Buksan ang Puso na kailangan pang mag-effort para mag-mukhang salbahe dahil kahit nagpapaka­sama na siya ay may maamo siyang mukha na hu­mahadlang para mapangatawanan niya ang pa­gi­ging kontrabida. In fairness to him, nag­sisimula nang magalit sa kanya ang manonood, lalo na sa hangarin niyang mamatay na ang kanyang kapatid  (Enrique Gil) sa sakit nito sa puso para lang masolo ang atensiyon ng kinikilala niyang ka­patid (Julia Montes). Malapit na ang pagtatapos ng serye na kahit matagal nang nakapagsimula ay pinapasukan pa rin ng mga bagong tauhan tulad ni Chistopher de Leon.

Julie Ann at Kristoffer pinaka-maiksi sa mga serye

Kung ang mga serye ng Dreamascape ng ABS-CBN ay pang one season lamang, lalabas na pinakamaikling serye ng GMA ang Kahit Nasaan Ka Man na nagtatampok kina Julie Ann San Jose at Kristoffer Martin. Walong linggo o dalawang buwan lamang ito eere, kulang ng isang buwan para maging  one season. Sa kabila ng maikling panahon na ibinigay dito, pipilitin ng dalawang bida na mapatunayan na kaya nilang umarte at hindi nagkamali ang GMA na pagtambalin sila kahit kilala na kay Elmo Magalona si Julie Ann at napagbibintangan si Kristoffer na nang-agaw ng kapareha.

Rhian proud sa music video ng Christian band

Proud si Rhian Ramos na mapasama sa music video ng Jars of Clay, isang sikat na American Christian band na hindi lamang popular na palabas ngayon sa Internet kundi maging sa USA Today. Ang video ay dito sa bansa kinunan sa direksyon ni Luigi Tabuena at ang prduction crew niya na binubuo ng pawang mga Pilipino. Ang video ay para sa awiting Fall Asleep,  isa sa mga tampok sa album ng grupong Amerikano.

 

AMERICAN CHRISTIAN

ANG HULING CHA CHA

ANGEL AQUINO

BEST ACTRESS

BEST DIRECTOR

JULIE ANN

KANYANG

RAYVER CRUZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with