^

PSN Showbiz

Matapos lait-laitin, Cristine tinanggal na ang apelyidong Ramsay!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pinalitan na naman ni Cristine Reyes ang username niya sa Twitter dahil umani ito ng negative reaction nang i-announce na @QueenCKRamsay na ang gagamitin niyang username. Galing sa apelyido ng BF na si Derek Ramsay ang “Ramsay” pero hindi ’yun nagustuhan ng marami at tinawag ng kung anu-ano ang aktres.

May tumawag kay Cristine na “ilusyonada,” “fee­lingera,” “echosera,” at kung anu-ano pa dahil hindi pa man sila kasal, ginagamit na nito ang apelyido ng bagung-bagong boyfriend. Kung nabasa man ’yun ng aktres, hindi ’yun ang rason kung bakit ginawa niyang @AwesomeQueenCK ang kanyang username.

Naalala namin kay Cristine ang magaling na aktres na noong BF pa lang ang napangasawang aktor nagpapraktis na ang aktres na pumirma ng name niya gamit ang last name ng aktor. Ikinasal ang dalawa pero naghiwalay din but, at least, nagamit ng aktres ang pinapraktis na pirma noong nagsasama pa sila ng ex.

Elmo ipinareha kay Janine

Sa presscon ng Kahit Nasaan Ka Man, nabanggit ni Julie Anne San Jose na may ibang soap ang ka-love team niyang si Elmo Magalona. Hindi nag-elaborate ang singer-actress pero ang remake ng Villa Quintana pala ang gagawin ni Elmo kapareha si Janine Gutierrez.

Nagsisimula nang mag-workshop sina Janine at El­mo at sisimulan daw ang taping sa last week ng Sep­tember. Ang sabi, ang Villa Quintana ang ipapalit sa Mga Batang Sisiw, ibig sabihin, malapit na itong umere.

Sina Keempee de Leon at Donna Cruz ang mga bida sa original na Villa Quintana na co-produced ng Viva TV at GMA Network at tumakbo mula Nov. 7, 1995- Jan. 24, 1997. Sa haba, marami ang cast members pero ang remake baka 13 to 16 weeks lang umere.

Child actress consistent sa suot na tutu

Consistent ang child actress na si Barbara Miguel sa kanyang isinusuot na parang inspired sa tutu na costume ng mga ballet dancer ’pag may performance. Kahit saan namin makita ang bagets, ’yun ang istilo ng kanyang suot.

Sa presscon ng Bamboo Flowers at nang ipa-interview siya ng GMA Ar­tist Center dahil sa pananalong best actress sa 8th Harlem International Film Festival para sa pelikulang Nuwebe, “tutu inspired” din ang suot ni Barbara. Sabi ng manager nitong si Direk Maryo J. Delos Reyes, pinababayaan na lang kung saan komportable ang bata, kaya sa mga ganung kasuotan pa natin siya makikita.

Sa New York ginawa ang filmfest, hindi nakadalo si Barbara at kay Direk Maryo na lang niya nalamang nanalo siya. Nag-audition siya sa role ni Krista at, ayon kay director Joseph Israel Laban, siya lang ang “only choice” sa role.

Second acting award na ito ni Barbara dahil nanalo na siyang best child actress sa 2013 FAMAS. Walang regular soap sa GMA 7 si Barbara ngayon.

Benjamin hinihintay ang komento ni Piolo

Unang nabalitang si Benjamin Alves ang kapareha ni Janine Gutierrez sa remake ng Villa Quintana. Si Benjamin ay kasama sa cast ng Katipunan at gagampanan ang role ni Sebastian. Isa itong fictional character at kasama ni Andres Bonifacio sa journey nito.

Samantala, showing na ngayong Wednesday ang Sana Dati, kung saan napuri ang acting ni Benjamin. Given the right role and the right project, lumalabas ang husay ng actor pero ayaw maniwalang may natalbugan siya sa cast.

Gustong ipapanood ni Benjamin sa uncle niyang si Piolo Pascual ang Sana Dati at gustong marinig ang comment nito sa acting niya.

Malabo man sa ngayon, gusto niyang makasama sa pelikula si Piolo at sina Jericho Rosales at Dennis Trillo.

ANDRES BONIFACIO

BAMBOO FLOWERS

BARBARA MIGUEL

BENJAMIN ALVES

CRISTINE

DELOS REYES

JANINE GUTIERREZ

SANA DATI

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with