Direk Wenn tiwalang-tiwala kay Joey Paras!!
Sa kuwento pa lang ng komedyanteng si Joey Paras, natatawa na ako sa launching movie niyang Bekikang.
Yup, may sariling pelikula na si Joey na lately ay kasama sa lahat ng project na idinirek ng Box-Office Director na si Wenn Deramas. Nakasama rin siya sa 2013 Cinemalaya entry na Babagwa na nagbigay sa kanya ng best supporting trophy. Pimp ang role niya sa pelikula.
So, saan nga ba siya ‘nadiskubre’ ni Direk Wenn at balitang bilib na bilib sa kanya?
“Sa Bona (stageplay ni Eugene Domingo). Nanood siya ng Bona. Pagkatapos tinawagan niya na ako. Nag-offer siya kung puwede akong mag-guest sa Kahit Puso’y Masugatan (na pinagbidahan nina Andi Eigenmann at Iza Calzado).
“Siyempre pumayag agad ako. Hanggang kinausap na niya ako kung puwede na akong mag-regular. Eh may programa ako noon sa GMA. Pero nanghingi ako ng sign na kung papaÂyag siyang may cut-off, go ako. Eh pumayag siya,†kuwento ng komedyante.
Doon na nag-umpisa ang lahat.
Pati sa pelikula isinama na siya hanggang banggitin ng direktor na bibigyan siya ng launching movie. Ito na ngang Bekikang, isang comedy na may drama na sinasabi ni Joey na tiyak na iiyakan ng pink community na buhay na buhay sa mga ganitong mga pelikula.
At ang parating binabanggit ni Direk Wenn kay Joey : “Hindi ka pangit. Magaling ka. Kung hindi kita pinitas, mabubulok ka lang,†tuwing tatanungin niya kung bakit siya binibigyan ng ganito kagandang pagkakataon.
Sa teatro nag-umpisa si Joey. Nag-aaral siya noon sa University of Sto. Tomas nang mag-apply siyang scholar sa Tanghalang PiÂlipino.
Sa 200 na nag-audition, kasama siya sa sampung nakapasa.
Kasama sa mga naging ‘teacher’ niya sa Tanghalang Pilipino sina Irma Adlawan, Gary Lim,at Nonie Buencamino.
Nang makatapos siya, nagsimula siya sa mga theater acting.
Pero dumating ang pagkakataon na inagaw siya ng pagbabanda. Naging vocalist siya ng bandang The Groove.
Hanggang nagtayo siya ng sariling banda – Dash – at nag-gig sila sa Hyatt Hotel at sa iba’t ibang bansa sa Asia. Mga foreigner ang kabanda niya.
Matagal din siyang nagbanda at nag-perform sa maraming bansa. Nakatira siya sa hotel, at 8 a.m. hanggang 11:45 p.m. ang trabaho nila.
Kumikita siya bilang singer at maganda ang naranasan pero nagsawa rin si Joey.
Nagkataong tinawagan siya para sa play na Zsa Zsa Zaturnah.
Fast forward. Nanood ang ilang bosses ng ABS-CBN ng Zsa Zsa Zaturnah na ang bida ay si Eula Valdez.
“Naalala ko pinilihan ‘yun. Ang daming nanood,†sabi ng gay comedian.
At nalaman niyang nagustuhan ang kanyang akting ng isang ABS-CBN exec kaya inalok siyang sumama sa seryeng Maging Sino Ka Man nina Bea Alonzo and John Lloyd Cruz noong 2006 hanggang 2007.
And the rest, ’ika nga, is history.
Leading man niya sa Bekikang si Tom Rodriguez. Kasama rin sa pelikula sina Janice de Belen at Tirso Cruz III.
Sina Eugene at Roderick Paulate ang kanyang idol.
Bangs ni Toni pinag-initan
Pinagdiskitahan ng mga nanood ng The Voice of the Philippines ang bangs ni Toni Gonzaga. Hindi kasi nakapasok si Radha. Bet na bet ng marami si Radha pero tinalo siya sa text votes kahit mas mataas ang score ng coach niyang si Lea Salonga kaya ang napagbuntunan ng sisi, ang bangs ni Toni na walang kamalay-malay. Ang layo ng koneksiyon, huh?
Maging ang sexy shoulder ni coach Sarah Geronimo ay nag-trending din. At buti na lang, si Klarisse ang pinili ni Sarah na ka-batch pala niya sa Star for a Night kesa sa copycat niyang si Morisette.
Tiyak magiging mainit ang magiging labanan sa finals ng The Voice of the Philippines dahil magagaÂling din ang napili sa Team Bamboo at Team apl.de.ap.
Collector ng mamahaling bag at sapatos hindi pinangalanan
Kanino kayang collection ng bags ang shoes ang ipinakita sa show ni Korina Sanchez na Rated K last Sunday? Nakakabaliw ang collection – Hermes, Balenciaga, Prada, Louis Vuitton, YSL. Naglaway ang mahihilig sa bag at sapatos.
Kay Jinkee Pacquiao kaya ’yun?
Eh ’yung mga kotse na Mercedes Benz, kanino kaya ’yun?
- Latest