Talent manager at mga staff buking ang ginagawang ‘panloloko’
Buking ang drama ng ibang artista, ng kanilang mga manager, at production staff, ng mga TV show nila. May tsismis pa nga na gumagastos ang isang manager para may mga mag-tweet tungkol sa kanyang mga alaga as in may mga taga-tweet siya.
Masipag sila na mag-tweet para maging trending topic ang kanilang mga bagong show. Halatang-halata naman na sila-sila rin ang aligaga sa pag-tweet dahil pare-pareho ang kanilang mga Twitter post.
Maling-mali ang kanilang akala na basta naging trending topic ang kanilang mga show, hit na hit ito. Niloloko nila ang mga sarili dahil naniniwala sila sa kanilang mga pakulo at kasinungalingan. Matatalino at matatalas ang pakiramdam ng televiewers. Alam nila kapag ineeklay lamang sila ng mga artista at ng mga alipores nito.
Odette pinatawad sa hagupit ang MM
Mabuti naman, hindi na namasyal sa Metro Manila si Odette, ang bagyo na binansagan na Super Typhoon sa buong mundo or else, kawawa naman ang bayan natin na hindi pa nakaka-recover sa giyera na nangyari sa Zamboanga City at sa pork barrel scam na parang kanta ni Gary Valenciano na nawawala, bumabalik, eto na naman.
Naapektuhan ni Typhoon Odette ang Batanes at ang ilang bahagi ng Northern Luzon. Naghahanda na ang Taiwan at Hong Kong sa pagdating ni Odette dahil direktang tatama ito sa kanilang bayan. Dapat munang ipagpaÂliban ng mga Pinoy ang pagbabakasyon sa Hong Kong para makaiwas sila kay Odette.
Nawala lang si Ynna, Mark sunud-sunod na ang trabaho
May Mark Herras Festival kahapon sa GMA 7 dahil si Mark ang starring sa pilot telecast ng Bingit at siya ang gumanap na Rez Cortez sa love story nito na isinadula ng Magpakailanman.
Happy ako para kay Mark dahil sunud-sunod ang kanyang mga TV project. May depth na rin ang kanyang acting dahil nakatulong ang hiwalayan portion nila ni Ynna Asistio.
Knowing Mark, ginagamit niya ang mga sad experience sa internalization kaya very effective ang kanyang acting sa Bingit at Magpakailanman.
AiAi hindi nakakagulat ang pagka-generous
Nabalitaan ko na nagpa-raffle ng datung si AiAi delas Alas sa presscon ng Kung Fu Divas noong Biyernes.
Hindi nakakagulat ang ginawa ni AiAi dahil naÂging tradisyon na niya ang mag-share ng blessings sa tuwing may bagong pelikula siya na ipalalabas sa mga sinehan.
Naniniwala si AiAi na kapag generous ang isang tao, triple ang balik sa kanya ng suwerte kaya good karma siya.
Ang promo ng Kung Fu Divas ang pinagkakaabalahan ngayon ni AiAi. Siya ang guest namin kahapon sa Startalk at may permiso ng ABS-CBN ang pag-apir niya sa show ng GMA 7 dahil sister company ng Kapamilya Network na Star Cinema, ang co-producer ng pelikula nina AiAi at Marian Rivera.
‘Important showbiz appointment’
Kesehodang araw ng Linggo ngayon, lalabas ako ng bahay dahil may important appointment ako na hindi ko puwedeng hindi siputin.
Bukas ko na lang ikukuwento sa inyo ang aking showbiz-related appointment. Hindi naman ako basta gumagawa ng lakad tuwing Linggo kapag hindi importante ang tao na bibisitahin ko. Hindi ako magbibigay ng clue dahil binabasa niya ang lahat ng mga diyaryo. Ayokong magkaroon siya ng idea!
Happy birthday sa entertainment editors!
Sunud-sunod ang mga birthday ng mga entertainment editor. Kaarawan ni Dondon Sermino noong Sept. 18, kahapon ang 47th birthday ni Jerry Olea, at bukas naman ang birthday ni Mama Salve Asis kaya gusto ko silang batiin ng “Happy birthday at more blessings to come!â€
- Latest