Nagmukhang TH copycat: Alex mas concerned sa projection kesa sa pagsasalita
SEEN: Ang pakikipagkita kay Communist Party of the Philippines leader Jose Ma. Sison ang isa sa highlights ng biyahe ni Robin Padilla sa Europe.
Ibinigay ni Sison kay Padilla ang libro na siya ang may-akda, ang Foundation for Resuming the Philippine Revolution.
SCENE: Hindi dapat ikinukumpara si Jinri Park kay Sandara Park dahil mas sumikat si Sandara noong kapanahunan niya.
Babalik na rin si Jinri sa South Korea upang subukan doon ang kapalaran niya sa showbiz.
SEEN: May repeat sa November 22 ang 3D, ang 30th anniversary concert ni Martin Nievera.
Ang Smart Araneta Coliseum pa rin ang venue ng 3D 2 at titiyakin ni Martin na maipo-promote niya nang husto ang repeat ng kanyang concert.
SCENE: Second rate trying hard copycat ni Toni Gonzaga ang hosting skills ng kanyang kapatid na si Alex.
Madalas na hindi naiintindihan ang mga sinasabi ni Alex sa The Voice of the Philippines dahil mas concerned siya sa kanyang projection sa television screen.
SEEN : Ang cast ng Prinsesa ng Buhay Ko sa kanilang regional promo show kahapon sa Naga City.
SCENE: Rumampa sina Anne Curtis, Venus Raj, Victor Aliwalas, James Blanco, Matteo Guidicelli at Dennis Trillo sa first eco-fashion show na ginanap sa Forbes Park residence ni US Ambassador Harry Thomas noong Martes ng gabi.
SEEN: Hindi nakilala si Alma Moreno ng viewers ng Anak Ko ‘Yan dahil sa kanyang katabaan. Si Alma at ang kanyang anak na si Winwyn MarÂquez ang naimbitahan na maging judge ng Anak Ko ‘Yan, ang morning show ng GMA 7.
SCENE: Hindi pa natatanggap ni TJ Trinidad ang best supporting actor trophy na napanalunan niya sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2013. Nanalo si TJ dahil sa pagganap niya bilang fiance ni Lovi Poe sa Sana Dati.
- Latest