^

PSN Showbiz

Sen. Bong magba-bible study na lang sa birthday

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pinapa-reschedule na pala ng mag-asa­wang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado ang pag-retreat nila.

Mas gusto na muna ni Sen. Bong na sa bahay na lang siya kasama ang pamilya sa kanyang kaa­rawan at magba-Bible study na madalas naman nilang ginagawa.           

Meron pang taping si Sen. Bong para sa Kap’s Amazing Stories na patuloy pa ring namamayagpag sa NUTAM ra­tings.

PAK: Sa susunod na linggo ay nakatakda nang mag-pictorial si Lian Paz para sa Playboy Philippines at pinaghandaan nito ang ma­pangahas na pictorial na gagawin niya.

Gusto na raw ni Lian na mag-concentrate sa kanyang showbiz career kaya malaki ang pasasalamat nito sa GMA 7 at isinama siya sa Prinsesa ng Buhay Ko na magsisimula na sa Lunes.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa maisip ni Lian kung kakayanin ba niyang maghubad sa pictorial na iyun. Pero napapayag itong maging daring na tiyak na ikaka-react ni Paolo Contis at ng Cebuanong basketbolistang nali-link ngayon sa da­ting EB Babes dancer.

BOOM: Ayaw pa ring banggitin ni Sheree kung sino ang third party na involved sa hiwalayan nila ni Gian Magdangal.

Nanatiling magkaibigan sila ni Gian at ayaw naman daw niyang magdamay pa ng ibang tao.

Pero ang narinig namin ay taga-showbiz din itong bagong nali-link ngayon kay Gian na dating nakakasama raw niya sa Party Pilipinas.

Ayaw mag-comment ni Sheree tungkol diyan.

Nabanggit sa amin noon ni Sheree na tila na-disappoint na siya kay Gian dahil sa anim na taong pagsasama nila, parang wala naman daw balak ang singer/stage actor na pakasalan siya.

Kaya mabuting mag-focus na lang daw siya sa kanilang anak at sa trabaho niya.

 

AMAZING STORIES

AYAW

BONG REVILLA

BUHAY KO

GIAN

GIAN MAGDANGAL

LANI MERCADO

SHEREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with