Concert ni Martin sure na ang repeat sa december
Sinulat ni Jun Lalin na may repeat ang 3D (Tatlong Dekada) concert ni Martin Nievera na ginawa last September 13 sa Smart Araneta Coliseum. Sa December 7 ang tentative date ng repeat sa Big Dome pa rin. Dapat sa October ang repeat ng concert, kaya lang busy na ang schedule ni Martin at sa December na siya libre.
May nagtsika sa amin na umabot ng P7M ang ticket sales ng concert ni Martin, true kaya ito? Kaya ba may repeat? Puno ang VIP at Patron section ng Big Dome at solved na ang concert producer ‘pag napuno ang section na ‘yun.
Effective kung ganoon ang hindi agad paglalabas ni Martin ng guests sa concert at two days before the concert na lang sinabi dahil na-curious ang tao.
Rita maagang nakuha ang birthday gift
Birthday ni Rita Avila bukas at magandang birthday gift daw sa kanya ni Lord ang mapasama sa cast ng Kahit Nasaan Ka Man, ang musical drama ng GMA 7 na magpi-premiere sa September 23, after 24 Oras sa direction ni Gil Tejada.
Balak sana ni Rita na mag-birthday sa ibang bansa at nagpa-book na ito ng flight, at saka tumawag ang staff ng production at sinabing kinukuha siya para gumanap na real mother ng karakter ni Kristoffer Martin. After the soap na lang aalis ang aktres, kaya tuloy pa rin ang trabaho niya.
Dapat Rita ang name ng karakter ng aktres sa Kahit Nasaan Ka Man, pinalitan ng Delia para hindi magkalituhan.
Bukod sa magandang story, natutuwa si Rita na makatrabaho sina Eula Valdez at Yayo Aguila na mga kaibigan niya.
Isabel at John intimate kung magdasal
Late si Isabel Oli sa presscon ng Magkano Ba ang Pag-ibig? dahil galing sa taping ng Day Off ng GMA News TV. Hindi pa siya nagti-taping at ‘di pa nababasa ang script, pero alam niyang kontrabida ang role niya at aapihin si Heart Evangelista.
Third time na niya itong magkontrabida kay Heart, sanay na siya at sanay na rin ang aktres sa kanya. Never pa raw silang nagkapikunang dalawa lalo na ngayon na pareho silang happy sa kanilang love life.
Kasi-celebrate lang nina Isabel at John Prats ng kanilang eight monthsary at natutuwa si Isabel dahil maraming tao ang masaya para sa kanilang dalawa. Hinihintay na nga lang kung kailan sila magpapakasal na malayo pang mangyari dahil pareho silang busy.
Para sa Kapuso star, ang sweetest thing na ginawa ni John sa kanya ay in-intiate raw siyang magdasal. Pareho silang member ng Christ Christian Fellowship at sabay nagpupunta sa church.
Sheena ayaw ilantad ang kaseksihan
Pinost ni Sheena Halili sa Instagram ang mga galos niya sa braso at likod dala ng fight scene nila ni Gwen Zamora sa Binoy Henyo. Sa mataas na parte ng building ng Bago Bantay Elementary Schook kinunan ang eksena at tama ba kaming gumamit ng harness ang aktres kaya nagalusan.
The other side of Sheena ang nakita namin that day dahil ang sexy pala nito kahit petite, maputi at flawless. May ipagmamalaking boobs ang dalaga at hindi na nito kailangan ang push up bra o magpa-breast augment. Hindi lang halata dahil hindi ito mahilig magsuot ng sexy at fitting dress.
Nang kunan ang eksena, naka-shorts at sando t-shirts si Sheena, malayo sa mga isinusuot niya sa Binoy Henyo na kundi naka-pants ay mahabang palda. Puwedeng mag-cover sa sexy magazine ang dalaga, pero ayaw nitong ipasilip ang kaseksihan.
- Latest