^

PSN Showbiz

Pinoy child star waging best actress sa Harlem Film Festival

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Habang kausap namin sa isang mesa si Direk Maryo J. delos Reyes sa presscon na bagong teleserye niya sa GMA 7 sa hapon, ang Magkano Ba ang Pag-ibig?, ay nabanggit nito na ang isa sa mga batang featured sa Bamboo Flowers na kasama sa mga pelikulang naging tampok sa Sineng Pambansa ay napiling Best Actress, yes actress at hindi child actress. Siya ay si Barbara Miguel, ang resident kontrabida child star ng GMA at ang award ay nakuha niya sa Harlem Film Festival para sa indie movie na Nueve na kung saan sa kanyang murang gulang niya ay nagbuntis siya at naging batang ina. Ang pelikula ay na kasali sa Cinemalaya New Breed section.

Proud din si Direk Maryo J sa kanyang entry sa Sineng Pambansa na marami ang pumupuri dahil sa kagandahan nito at gumamit ng ilang mga batang artista sa kuwento tulad nga ni Barbara Miguel, Yogo Singh, at Migs Cuaderno.

Nanghihinayang si Direk Maryo J na walang awards night para sa Sineng Pambansa filmfest dahil katuwiran daw ng mga  taong nasa likod nito ay mga masters na silang lahat sa pagdidirek kaya hindi na sila dapat maglaban-laban pa. Tanggap na ang kagalingan nilang lahat sa paggawa ng pelikula. Pinanghihinayangan niya na hindi masyadong nai-promote ang mga pelikula kung kaya maraming manonood  ang hindi nakakabatid na may ginanap na isang pista ng pelikulang Pilipino na tulad ng Sineng Pambansa, kaya marami sa kanila ang hindi nakapanood.

He was also saddened by my story na isa sa masasabing magandang pelikula ay mag-isa lamang ako sa buong sinehan na nanood. Proud siya sa Bamboo Flowers dahil hindi lamang ito isang magandang pelikula, nagpakita pa rin ito ng kagandahan ng ipinagmamalaki niyang probinsya, ang Bohol, at para mas makita pa ng media ang  marami pang magagandang lugar na hindi niya naipakita sa kanyang pelikula, ay nag-imbita siya para sa isang tatlong araw na pamamasyal  at bakasyon dun.

Nakakadalawang araw na taping na siya ng kanyang bagong Kapuso teleserye, ang Magkano Ba ang Pag-ibig, dating Bayarang Puso. “Pinapalitan ko dahil baka magalit pa si Mother Lily,” ang sabi niya na ipalalabas na sa Sept. 30 na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Sid Lucero kasama sina Alessandra de Rossi, Katrina Halili, Ana Capri, Pen Medina, Shamaine Buencamino, Luz Valdez, Vangie Labalan, Mariel Pamintuan, Nicky Castro, at Angelo Ilagan.

Nabanggit din ni Direk Maryo J na siya mismo ang pumili kay Katrina Halili para makasama sa bagong teleserye niya. “Nami-miss ko na siya, sila ni Ana Capri at gusto ko na silang makatrabaho muli,” anang magaling na direktor na nagawang gulatin ni Heart. “Akala ko dahil maarte siya ay mahihirapan ako sa kanya. Hindi pala, mabilis siyang kumuha ng instruction. Unang eksena niya ay kailangang umiyak siya at nagawa naman niya ng madali, hindi siya nag-OA,” papuri ng direktor sa isa niyang artista.

Mga kalaban ni Nora sa CineFilipino hindi na umaasang mananalo

Kung walang awards night ang Sineng Pambansa, meron nito ang CineFilipino Film Festival na ginaganap na sa kasalukuyan. Sa halip na ma-excite ang maraming artista na may kasaling pelikula sa filmfest, andap sila dahil may pelikula ang Superstar na si Nora Aunor, ang Ang Kuwento ni Mabuti. Dalawa sa makakalaban ni Nora bilang Best Actress ay sina Angel Aquino at Tuesday Vargas. Walang problema si Angel dahil kilala sila ni Nora na parehong magaling na artista, pero may problema si Tuesday dahil first time niyang magbida at seryoso ang role niya hindi bilang komedyana sa Ang Turkey Man ay Pabo Rin. Maganda man at magaling siya sa kanyang role pihadong maiintriga siya kapag tinalo niya ang mga kilala at premyadong makakalaban niya, lalo na si Nora.

ANA CAPRI

BAMBOO FLOWERS

BARBARA MIGUEL

BEST ACTRESS

DIREK MARYO J

NIYA

NORA

SINENG PAMBANSA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with