Nominado sa Best Southeast Asia Act Sarah napansin sa Europe Music Award
MANILA, Philippines - Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Nay Lolit Solis na balang araw, magkakatuluyan sina SaÂrah Geronimo at Gerald Anderson.
Hahaha. At sagot na raw niya ang honeymoon ng dalawa sa Paris, France pag nagkataon.
Nung minsan ay nagti-text siya habang nanoÂnood ng Catch Me, I’m In Love sa cable channel. Parang more than 10x na niyang napapanood ang pelikula pero wala raw siyang kasawaan. At sa tuwing nanonood siya, sobra-sobrang kilig ang nararamdaman niya. Sawang-sawa na nga ang kasambahay niya dahil baliw na baliw siya sa pelikula ng dalawa.
“Naku kailangan lang may mapagsabihan ako ng makakaunawa sa akin. My God nanonood na naman ako ng pelikula ni Sarah at Gerald, in love na naman ako, promise ko na pag nagkatuluyan sila, ako sagot sa Paris trip nila kasama ka, promiÂse.
“Naku k--s lang ni Maja (Salvador) gusto ni Gerald, magwawagi pa rin tunay na pag-ibig at ipapakasal ko sila sa Notre Dame promise.
“Dadalhin ko sila sa Lourdes (France). Ewan ko ba bakit ganito ako ka fan at talagang pag napapanood ko sila lalo pa akong nai-in love sampung beses ko na yata iyong napapanood at pag nanonood ako nagkakaroon ng sex scene na ikagagalit ni Mommy Divine hah hah hah,†sabi ni Nay Lolit sa kanyang text messages na siyempre ay inuutos niya ang pagti-text sa kanyang maid of honor.
Eh paano kung kunin na lang siyang nanay sa next movie ng dalawa, in case na magkakaroon pa, payag ba siya? “Naku ayoko, baka hindi ako makaarte. Mako-conscious ako, hahaha.â€
At mas gusto niya ang Catch Me I’m In Love kesa sa second film nina Sarah at Gerald na Won’t Last A Day Without You.
Ok walang masamang mangarap Nay Lolit. Malay mo. True love nila ang isa’t isa. Hoping against hope. Why not! Hahaha.
Speaking of Sarah, isa na namang karangalan ang nadagdag sa Pop Superstar. Nominado siya for Best Southeast Asia Act sa MTV Europe Music Awards 2013. Nakalagay sa website ng MTV Europe Music Awards ang official nominees ng EMA 2013 na gaganapin ang awards night sa November 10 sa Amsterdam.
Nandun din ang credentials ni Sarah at active ang fans niya sa paÂngangampanya na iboto ang kanilang idolo.
‘Sarah Asher Tua Geronimo, or simply Sarah Geronimo or Sarah G., is hailed as the Philippines’ Popstar Princess. Born in Manila, she turned 25 on July 25, 2013. Sarah’s showbiz career began at age 14 when she emerged as the champion of a singing contest called Star For A Night in 2002.
“For a decade now, she has achieved multiplatinum albums, record-breaking concerts, blockbuster movies, and high-rating TV shows. Sarah’s phenomenal musical talent has earned her recognition not just in her homeland, but all over Asia. She won the title of Best Asian Artist (Philippines) at the 2012 MNet Asian Music Awards in Hong Kong, making her the first Filipino to receive the award. In the Philippines, she has been honored by many prestigious award-giving bodies. She is a six-time Awit Awards winner, including the Best Selling Album of the Year for One Heart in 2012, which is a certified five-times platinum album. Sarah is the only female artist in history to win all the major Aliw Awards: the coveted Entertainer of The Year and Record Breaker in 2010, Best Female in Major Concert for 24/SG in 2012, Best in Collaboration For A Concert for What Love Is in 2011, and Most Promising Female Entertainer in 2003. In 2004, she won Nickelodeon Philippines’ Kids’ Choice Award.
“This year, she makes another breakthrough with her new album ‘Expressions’, featuring a song she herself wrote entitled ‘Make Me Yours,†sabi sa website ng EMA.
Makakalaban niya sa naturang kategorya sina Hafiz ng Malaysia, My Tam ng Vietnam, Noah ng Indonesia, Olivia Ong ng Singapore and Slot Machine ng Thailand.
Mapapanood sa 60 channels ang awarding ceÂremonies.
Ang tanong, mag-a-attend kaya si Sarah? Eh ‘di may major concert siya sa November 15, ang Perfect 10?
Transit kailangan ng malaking budget para mapansin sa Oscars
Ang pelikulang Transit ang napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) na ipadala sa pagpipilian sa Oscars para sa Foreign Language category.
Kasamang pinagpilian ng Transit and OTJ na pinuri-puri rin nang ipalabas sa mga sinehan at ang Thy Womb ni Nora Aunor ganundin ang Supremo, El Presidente, Dance of the Steel Bars, Ekstra ni Governor Vilma Santos, Tiktik: The Aswang Chronicles, Tuhog, at Boses.
Si Peque Gallaga ang head ng selection committee ng FAP. Dinirek ni Hannah Espia at ang boyfriend ni Toni Gonzaga na si Direk Paul Soriano ang producer.
Naghakot ng 10 awards ang Transit sa 2013 Cinemalaya kasama na ang Best Film.
Kuwento ito ng Filipino Immigrant family sa Israel na nanganganib ipa-deport ang anak.
Si Jasmine Curtis ang bida sa Transit kasama sina Irma Adlawan, Mercedes Cabral, and Marc Justine Alvarez.
Kailangan ng malaking budget para maikampanya ang pelikula sa Hollywood para mapansin sa final selection ng 86th Academy Awards.
- Latest