Sam supalpal kina Shaina at Jessy?
Indikasyon daw ’yung hindi pagsasama nina Sam Milby at Jessy Mendiola sa Star Magic Ball sa walang romansa na nagaganap sa kanila dahil ilang araw bago ang kaganapan nito ay inanunsiyo ng bagong gaganap ng role ni Maria Mercedes, na pinasikat noon ni Thalia, sa isang bagong serye ng ABS-CBN na tinanggap niya ang imbitasyon ni Sam na nakapareha o naka-date siya sa taunang pormal na event ng Star Magic.
Pero marami ang nagtaka nang dumating ang dalawa sa nasabing pagtitipon nang magkahiwalay. Nang tanungin sila tungkol dito ay sinabi na lamang nila na parang magkasama na rin sila dahil magkikita naman sila sa loob ng venue.
Ipinalalagay ng marami na ang hiwalay na pagdaÂting ng dalawa ay hindi pagtatagumpay ni Sam sa kanyang panunuyo kay Jessy. Pero itinanggi ito ng aktor at sinabing kasalukuyan pa rin niyang sinusuyo ito at wala pang pagbabawal siyang tinatanggap mula sa dalaga.
Idinagdag din ng Fil-Am actor na hindi totoong nabasted siya ni Shaina Magdayao dahil hindi naman siya nanligaw dito. Nananatili silang magkaibigan ni Shaina at ’yun sana ang balak niya noon, na palawigin muna ang kanilang pagiging magkaibigan bago siya manligaw. Obviously, hindi na ito nagkaroon ng kaganapan dahil nabaling na ang pansin niya kay Jessy.
Direk Maryo master na master na ang drama
Maganda ’yung pagkakagawa ni Direk Maryo J. delos Reyes ng Bamboo Flowers. Bukod sa magagandang kuwento ng marami niyang characters sa movie ay nagawa niya silang pagkabit-kabitin para makabuo ng isang magandang pelikula. Nagawa rin niya silang paartehin ng maganda kung kaya wala ni isa man na napag-iwanan sa acting — mula sa mga batang sina Yogo Singh at Miggs Cuaderno, ’yung mga senior star (Mylene Dizon, Irma Adlawan Spanky Manikan), at maging ’yung mga mas nakababata sa kanila (Ruru Madrid, Max Collins, Orlando Sol, Diva Montelava). Wala ni isa mang artista ang napag-iwanan sa acting department. Lahat sila ay all worthy of at least a nomination sa mga awards derby.
Nagawa rin ni Direk Maryo J. na mai-promote ang kanyang probinsiya, ang mga kababayan niya, at ang kultura nila sa pamamagitan ng pelikula niya. Ngayon ay marami na ang nagkakainteres na makapunta ng Bohol.
Pagdating talaga sa drama, walang makakatulad si Direk Maryo J. na nagawa na namang paiyakin ang mga manonood sa simpleng eksena ng gumaganap na magkapatid na Diva at Orlando. Touching din ’yung eksena in Orlando kasama ang gumaganap niyang ama.
Sa kabuuan, maganda ang Bamboo Flowers.
Maganda rin ’yung isa pang pelikula na pinanood ko. Nagtaka lang ako at medyo natakot dahil mag-isa lang ako na nanood ng pelikula. Wala talagang iba. Sabi ko, sayang dahil maganda naman ang kuwento, magagaling ang mga artistang gumaganap at hindi naman kapos sa promosyon pero bakit kaya iniisnab ng mga manonood?
May nakapagsabi ba sa kanila na simple lamang ang istorya pero pinalalim ng direktor ang kanyang pagkukwento? Nakatulong din siguro ng malaki ang hindi pormula na ending na malungkot at ipinabahala sa manonood ang kapaÂlaran ng major character ng indie movie.
- Latest