New Minstrels at Circus Band magbabalik sa concert
MANILA, Philippines - Naaalala n’yo pa ba ang New Minstrels at Circus Band? Sila ang dalawa sa malalaki at magagaÂling na showbands na nangunguna noong dekada 70. Ang good news ay magbabalik silang muli para sa isang espesyal na concert na magsisilbing reunion na rin nila sa kanilang fans.
Tinatawag na The Circus Band and the New Minstrels Greatest Hits Reunion, ang concert ay gaganapin sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City sa Biyernes, Sept. 20. Produced ng Viva Live, Inc. at Redstone Media Productions ang concert series. Magkakaroon din ng performances ang dalawang banda sa University of Baguio sa Baguio City (Sept. 26) at sa Waterfront Hotel sa Cebu (Sept. 28).
Magsaya sa kanta’t sayaw sa mga musikang R&B, disco, rock, funk, romantic ballads, at iba pang tunog ’70s tulad ng The Harder I Try, I Just Don’t Want to Be Lonely, Celebration, Mr. Melody, One in a Million, There’s No Easy Way, Love the One You’re With, Wildflower, at iba pang kanta mula sa Motown, Santana, Manilow, at Earth Wind & Fire.
Abangan ang pagbirit nina Hajji Alejandro, Tillie Moreno, Pat Castillo, Jacqui Magno, at Basil Valdez ng Circus Band at sina Louie Reyes, Ding Mercado, Joey Albert, Ray-An Fuentes, Chad Borja, at Eugene Villaluz. Ang former Circus lead guitarist na si Rudy Lozano ang musical director.
Mabibili ang tickets sa Ticketnet (911-5555); SM Tickets (470-2222); TicketWorld (891-9999); PICC (789-4734); at Viva Concerts (687-7236). Ang PICC ticket prices ay P4,000 (Orchestra Flat Center); P2,500 (Orchestra Flat Left/ Right); P3,000 (Level 2 Center/Left/Right); P2,500 (Level 2 Left/Right Side); P2,500 (Level 3 Center/Left/Right); P1,500 (Level 3 Left/Right/Side); P800 (De Luxe); at P400 (Balcony).
Abangan din ang paglalabas ng special album na kabilang ang ilang miyembro ng “reunion class†ng Viva Records. Ang CD album ay naglalaman ng mga kanta nina Basil Valdez (Sana’y Wala nang Wakas), Louie Reyes (Sa Isip Ko), Pat Castillo (Pagdating ng Panahon), Jacqui Magno (Let the Pain Remain), Eugene Villaluz (Mahawi Man ang Ulap), Ding Mercado (I Can); Joey Albert (Hindi Na), Ray-an Fuentes (Habang May Buhay), Chad Borja (Kahit Na), at ang kanta ng grupo nina Chad, Ding, Eugene, at Ray-An na Never Ever Say Goodbye.
- Latest