Rexona naghahanap ng bibigyan ng Do More Awards
MANILA, Philippines - Sa taong ito, nagtulungan ang news website na Rappler at ang Rexona sa pagsasagawa ng unang Do More Awards na inilunsad sa Las Flores noong Setyembre 3.
Ibinibigay ng Do More Awards ang pagkakataong mapapurihan ang mga matatagumpay na Pilipino sa lahat ng larangan. Layunin nitong maparangalan ang mga nagsagawa ng personal nilang initiative na labas na sa kanilang tungkulin.
“Makaraang ipalaganap ang Do More philosophy ng Rexona, nababagay lang na kilalanin natin ang mga nagsasabuhay sa piloÂsopiyang ito,†paliwanag ni Mar Corazo, Rexona brand manager.
Sa walong opisyal na kategorya, kinikilala ng Do More Awards ang The Challenger, The Artist, The Innovator, The Luminary, The Social Entrepreneur, The Civic Hero, The Digital Trailblazer, at The Global Pinoy.
Sinabi naman ni Rappler founder at CEO na si Maria Ressa na maganda ang tiyempo ngayon dahil sa nasaksihan ng mga Pilipino noong nakaraang linggo sa The Million People March.
“Ipinakita lang dito ang kapangyarihan ng isang Facebook post. Sa teknolohiya ay napapakilos mo ang mga tao at nakakapag-organisa ng kilusan para magbunsod ng pagbabago. Iyan ang hangarin ng Do More Awards,†paliwanag ni Ressa.
Ang mga indibidwal na nag-exhibit sa walong kategorya ay maaaring mainomina sa pamamagitan ng website ng Rappler (www.rappler.com). Ang nominado ay dapat na mamamayang Pilipino at merong proyekto na naisakatuparan mula Enero 2012 hanggang Setyembre 2013. Ang proyekto ay kailangang makikitaan ng kahusayan, pagiÂging bago, at dapat nagtataguyod sa esensiya ng Do More. Magsasara sa Sept. 28 ang nomination period.
Ang Awards ay idaraos sa Nov. 28 sa Fairmont Ballroom sa Makati City. Para sa dagdag na impormasyon, hanapin lang ang hashtag #DoMoreAwards sa social media sites o bumisita sa <www.rappler.com/domoreawards>.
- Latest