Sagot ni Rosanna sa paniningil ng GMA: ‘Charge nyo na lang ke Bong Revilla’; Movie nina Jinggoy at Maja, hindi pa alam ang kapalaran
SEEN: Ang teary-eyed na apela kahapon ni Senator Bong Revilla, Jr. na huwag siyang husgahan ng sambayanan, kaugnay sa plunder case na ibinibintang sa kanya.
SCENE: Ang sagot ni Rosanna Roces sa Facebook tungkol sa demanda sa kanya ng GMA Network, Inc. Natalo si Rosanna sa kaso ng breach of contract :
“UNA wala akong natatanggap na anumang sulat kung me hearing o wala.
“Pangalawa, namatay ang abugado kong si Atty. Dave Puyat at magmula nuon kung anuman ang nangyari sa kaso ay clueless ako.
“Pangatlo, ang pagbitaw ko sa trabaho ay June matapos ang huling bday ko sa Startalk 2004. Lumabas ito after isiwalat nila Lolit na buntis ang anak ko. Ang d buzz appearance ay nangyari Dec.ng same year at tungkol yun sa hiwalayan naming mag-asawa.
“Tinanggap nila ang resignation ko..malinaw na pinalalaya na nila ako. Kung ako nakakontrata pa sa kanila mula nuon..eh di dapat me natatanggap akong sweldo para masabi nila na ako ay under their company’s contract. since alam naman ng lahat ang nangyari sa buhay ko na di ko naman itinatanggi...
“Wala akong pagkukunan ng ganyang halaga..at kung meron man....di nila ito makukuha sa akin sa hirap ng buhay at sa daming isyu ng pagnanakaw sa gobyerno na katumbas ng pagnanakaw sa ating lahat na nagpapakahirap para maitaguyod lang ating pamilya sa tamang pamamaraan. Gaya ng sinabi ko sa FB ‘CHARGE NYO NA LANG KE BONG REVILLA.’ Prayers included.â€
SEEN: Ang depensa ni Senator Jinggoy Estrada na inosente siya sa kaso ng plunder na isinampa kahapon laban sa kanya. Itinanggi ni Estrada ang tsismis na aalis siya ng bansa.
SCENE: Walang katiyakan kung kailan ipalalabas sa mga sinehan ang pelikula nina Senator Jinggoy Estrada at Maja Salvador dahil sa problema na kinakaharap ngayon ng actor/politician.
SEEN: Ipinangako ni Senator Jinggoy Estrada na haharapin niya ang imbestigasyon ng kaso na inaakusa sa kanya. Iginiit ni Estrada na wala siyang kinalaman sa pork barrel scam.
SCENE: Rated G ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang Momzillas ng Star Cinema at Viva Films.
Showing bukas sa mga sinehan ang pelikula nina Maricel Soriano at Eugene Domingo.
SEEN: Magsasama-sama ang lahat ng mga artista ng ABS-CBN sa October 6 para sa 60th anniversary celebration ng Kapamilya Network.
- Latest