^

PSN Showbiz

Dalawang female hosts todo-emote sa nabawas nilang talent fee!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Kahit sinagot na ni Mr. Noel Lorenzana, president ng TV5, na hindi sila nagbawas ng talent fee sa mga artista nila dahil legally, hindi naman puwede, nakakarinig pa rin ako ng kuwento na nagrereklamo ang ilan nilang alaga na nabawasan daw ang TF nila. Ang kuwentong narinig ko, panay ang reklamo ng dalawang female host na bawas na bawas ang talent fee nila. Pero tinanggap  na lang daw nila ang trabaho dahil sa exposure.

Or baka naman nang-eeklay lang ang dalawang TV hosts na reklamador?

June Abrozado nagsalita kung bakit isinalba ang bag nang bumagsak sila ni Sec. Robredo

Ipinapanood kahapon ng GMA 7 ang unang episode ng kanilang newest human drama program na tiyak na magpapagulat sa mga manonood, ang Bingit, na magsisimulang umere sa September 21, Sabado after ng Startalk.

Ang security aide ni dating DILG Sec. Jesse Robredo na si June Abrozado ang unang magkukuwento kung anong klaseng bingit ng kamatayan ang naranasan niya nang bumagsak sa dagat ang sinasakyan nilang eroplano noong nakaraang taon.

Si Mark Herras ang gaganap na June at sa totoo lang parang magkamukha nga sila.

Magkakaroon ng reenactment ang mga pangyayari. Buung-buong isinalaysay ni June ang lahat na first time niyang ginawa.

Walang talent fee na tinanggap si June sa prog­rama. Ang kuwento ng taga-production ng GMA, kinontak nila ito for a meeting. Agad na pumayag at inilatag nila ang concept ng programa.

Bukod sa mga kuwento ng lone survivor ng trahedya, marami rin silang actual videos na ipinakita.

Sa napanood namin, nakakaiyak ang kuwento ni June kung paano siyang nakaligtas sa kamatayan. Kung paano siya nakalabas ng eroplano pagkatapos nitong bumagsak at kung anong hirap ang ginawa niya makuha lang ang isang bag para lumutang.

Nabanggit niya rin ang mga pangyayari sa loob ng eroplano ilang seconds bago bumagsak sa dagat ang Piper Seneca.

Fully aware rin si June sa naging galit sa kanya ng marami nang siya lang ang mabuhay at hindi man lang natulungan si Sec. Robredo at ang piloto na nakita na pala niyang may problema dahil lumingon ito sa kanila bago sila tuluyan nawala sa ere.

Binatikos siya nang husto dahil pinagsuspetsahang isinalba niya ang isang bag dahil meron itong mahalagang bagay. ‘Yun pala nakita niya itong lumulutang kaya pinilit niyang kunin para may makapitan kahit papaano.

Umiiyak si June sa ibang part ng interview habang pinapakalma siya ng asawa.

Hanggang ngayon ay hindi pa uli niyang kayang suma­kay sa eroplano.

Malaki ang naging papel sa nangyari kay June ng mahal na Nuestra de Peñafrancia.

Dinirek ang unang episode ng Bingit nina Direk Rico Gutierrez and Lem Lorca.

This month lang nag-isang taon ang nasabing trahedya kaya talagang very timely ang pag-ere ng Bingit.

Show ni Edu luma­ban nang umere

Maganda ang feedback ng unang episode ng comedy talk show ni Edu Manzano na What’s Up, Doods? na umere last Saturday night sa TV5.

Matagal-tagal din kasing hindi siya napanood sa talks show.

Halatang ganado sa bagong programa ang TV host na co-producer din kaya ginagawa raw nila ang lahat.

Next episode nila, si Sen. Grace Poe ang kanyang makakatsikahan.

Kaya naman isa raw ang programa ni Edu sa may pinakamataas na rating sa mga nagbukas na programa sa TV5 last weekend.

Bring it on Mr. Manzano!

 

BINGIT

DIREK RICO GUTIERREZ AND LEM LORCA

EDU

EDU MANZANO

GRACE POE

JESSE ROBREDO

JUNE ABROZADO

LANG

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with