Ryan nakalatag na ang mga gagawin sa lilipatan
Sa presscon nang muling pagpirma ni Dingdong Dantes ng kontrata sa GMA Network, tinanong ni Gorgy Rula si Atty. Felipe Gozon kung after Dingdong ay may kasunod bang pipirma ng kontrata at kung sa Manila Polo Club din gagawin ang contract-signing?
Naunang mag-renew ng kontrata sa GMA Network si Marian Rivera sa Manila Golf Club sa loob din ng Forbes Park sa Makati City kaya ang tanong ni Gorgy ay kung sino ang next na pipirma ng kontrata na gagawin din doon?
Walang malinaw na sagot that time si Atty. Gozon, siguro dahil wala pang magre-renew ng contract o kung may papasok mang talent na bago sa network ay under negotiations pa.
Gaya sa kaso ni Ryan Agoncillo na balita namin this Monday palang haharap sa meeting with GMA’s bosses dahil nagkasakit nga. Sa pagharap sa meeÂting ng mister ni Judy Ann Santos, ilalatag na raw ng Channel 7 ang shows na io-offer sa kanya. Kapag nagustuhan ni Ryan ang offer, siya na kaya ang next na pipirma ng kontrata? Kung siya na nga, saan kaya ang venue?
Pati suot ni Dingdong sa pagre-renew ng kontrata ay inalam ng press. Hindi namin narinig kung saan binili ng aktor ang brown suit. Ang narinig lang namin, Tom Ford ang tie niya at ang wristwatch ay IWC na gift ng girlfriend na si Marian.
Bago ang contract-signing event, nag-post sa Instagram si Dingdong. Sabi nito, “Sa wakas magagamit ko na ang paborito kong kurbata na matagal nang nakaabang sa pagdating ng importanteng araw na ito.â€
After the event, nag-post uli ang aktor: “Today, I celebrate the rebirth of my commitment to a place that is more than just a company, a network, or a house that showcases talent... but a house where my heart truly belongs.â€
Anyway, ang Genesis na ang description niya ay “story about love, about family and about love of country†at “story about hope†ang papalit sa My Husband’s Lover. Ang sci-fi aspect ay backdrop na at hindi namin masyadong naitanong.
Sa teaser ng Genesis na ipinalabas sa contract-signing ni Dingdong, nakita naming sumabog ang lion na makikita habang paakyat sa Baguio. Ang tsika, sa opening scene ng show, pinasabog ang Baguio at mapapanood ito sa pilot episode.
Nabanggit din ni Dingdong na he’s ready for different roles at gusto niyang ma-challenge. Tinanong namin ito kung puwede siya sa gay role?
“Bakit hindi,†ang sagot, closet gay man o flamboyant. “Kahit ano basta maÂkaÂkaya ko at mabibigyan ko ng justice ang sagot.
Ayan, willing ang Kapuso Primetime King sa gay role at aminin ninyo, curious kayong mapanood si Dingdong sa ganung karakter.
Ruru nakalamang na kay Jeric
Wala si Direk Jun Lana sa presscon ng Dormitoryo. Hindi tuloy naitanong ng press kung totoong ang Pretty Little Liars ng ABC ang peg ng TV series na start ng airing sa Sept. 22 after Sunday All Stars.
Sabi ni Wynwyn Marquez na isa sa cast ng Dormitoryo, parang mala-Pretty Little Liars nga ang show nila. Ang alam din nito ay 13 weeks lang sila pero kung maging ka-successful ito sa American series na nasa fifth season na, for sure, i-extend ito ng GMA 7.
Kasama rin sa cast ng Dormitoryo si Ruru Madrid sa role ni Charlie. Dahil nasa Akin Pa Rin ang Bukas ang bagets, iniintriga itong naunahan na niya si Jeric Gonzales na male winner ng Protégé 2. Mas sikat na raw siyang runner-up kesa winner.
- Latest