Ekstra napapanood ng libre sa internet
SCENE: Vindicated si Chito Roño dahil pinupuri ng manonood ang Badil, ang kanyang pelikula na kasali sa Sineng Pambansa.
Na-delay ng dalawang araw ang showing ng Badil sa mga sinehan ng SM Mall dahil sa balita na hindi umabot sa deadline ang pelikula.
SEEN: Papansin ang ex-beauty queen na si Dani Castano sa kanyang outfit sa pilot episode ng Showbiz Police ng TV5.
Hindi akma sa TV ang sexy dress ni Dani dahil halos nakaluwa na ang kanyang dibdib.
SCENE: Ang delayed telecast kahapon ng GMA 7 sa boxing fight nina Floyd Mayweather, Jr. at Canelo Alvarez. Nanalo na si Mayweather nang mag-umpisa ang delayed telecast ng GMA 7.
SEEN: Kung may interesado man, hinding-hindi na magkakabalikan sina Mark Herras at Ynna Asistio. Wala nang dahilan si Ynna upang makipagbalikan kay Mark.
SCENE: Luma ang ilang mga isyu na tinalakay sa unang gabi sa telebisyon ng Showbiz Police ng TV5. Isang malaking showbiz controversy, na ang show mismo ang magpapasabog, ang kailangan ng programa.
SEEN: Nagkaroon ng paghaharap kahapon si Anne Curtis at ang National Basketball Association (NBA) player na si Derrick Rose sa Smart Araneta Coliseum.
Dumating sa Pilipinas si Rose noong Biyernes dahil sa kanyang Asian tour bilang celebrity endorser ng Adidas.
SCENE: Mabibilang sa daliri ang mga nanood ng Ekstra sa screening nito sa Edwards Cinema sa Cerritos, California dahil sa balita na libreng napapanood sa Internet ang pelikula.
- Latest