Kuwelang-kuwela ang pagbabalik: Edu nag-shampoo, blow dry, at nagwalis ng buhok ng customer sa parlor!
Si Georgina Wilson ang isa sa mga special guest ni Edu Manzano sa pilot telecast ng What’s Up, Doods? ng TV5 noong Sabado.
Pare-pareho ang opinyon ng mga nag-abang sa bagong talk show ni Edu, hindi pa rin matatawaran ang kanyang husay bilang TV host. Naaliw daw sila ng todo sa funny antics ng tatay ni Luis Manzano.
Sa totoo lang, binago at muling binuhay ni Edu ang Pinoy TV landscape dahil sa What’s Up, Doods? May mga nakapansin na maraming commercial load ang show.
Na-miss ng fans at televiewers si Edu sa not-so-late-night talk show slot kaya naman tinutukan nila ang kanyang pagbabalik. Maging si Edu, halatang ganadung-ganado.
May mga bagong pauso at pasabog si Edu sa What’s Up, Doods?, ang challenge portion. ImaÂgine, napapayag siya na maging parlor assistant! Si Edu ang nag-shampoo at nag-blow dry sa buhok ng female customer na naloka dahil hindi niya inaasahan na ang sikat na TV host ang maghuhugas ng kanyang buhok.
Ipinakita rin ang aktor habang nagwawalis ng mga ginupit na buhok sa isang sosyal na beauty parlor sa Makati City.
Engaging, interesting, at witty din ang naÂging takbo ng interview portion sa Boys Night Out at kay Georgina na lumaban kay Edu ng Inglesan at pagpapatawa.
Marami rin ang nagkagusto sa portions na Praisebook na isang tindera ang nag-donate ng kalahati ng kanyang panindang turon sa flood victims; at Bwitter, na isang viewer ang nag-bitter-bitter-an at nag-emote na ang pride ay sa labada ginagamit, hindi sa isang relasyon. Click din sa manonood ang thought for the night ni Edu bago nagtapos ang show.
Say ng irrepressible host, “Aanhin ang bahay na bato kung wala namang wifi dito?â€
Funny na, timely pa!
Na-master na ni Edu ang mga talk show. Una siyang sumikat bilang host ng Not So Late Night with Edu sa GMA 7 noong dekada 80 at Late Night with Edu sa ABC-5 noong early ’90s.Taped as live ang dalawang unang episodes ng What’s Up Doods pero ang mga susunod, live na live na.
“As a host, you always want to put your best foot forward. We want to go live because unpredictability is very important thing in a talk show. You have no control of what will happen so you have to learn how not to look too shocked if something happens that you don’t expect.â€
Ang legendary Pinoy rock icon na si Joey ‘Pepe†Smith ang isa sa mga magiging guest ni Edu sa mga susunod na episode ng What’s Up, Doods?â€
Fan ni Joey si Edu kaya dapat abangan ang kanilang mga pag-uusapan at pakulo sa bagong talk show ng Kapatid Network na napapanood tuwing Sabado, 9 p.m.
May suggestion ako kay Edu at sa production staff ng What’s Up, Doods? para sa kanilang challenge portion.
Simple lang ang idea ko. Hindi sinasadya na magkikita kami ni Edu sa isang lugar at haharbatan ko siya pero magagalit siya sa akin with matching walk out. ’Yon ang challenge sa kanya, ang magpanggap na imbiyerna siya sa akin.
Tapos magugulat ako dahil bumalik si Edu at aabutan ako ng datung. ’Yun pala, nag-withdraw lang siya sa ATM dahil nakalimutan niyang magdala ng cash. Siyempre, hindi props ang datung na ibibigay niya sa akin. Talagang may-I-give niya ang pera as in wala nang bawian. O ’di ba, simpleng-simple pero bongga ang idea ko? What do you think, Edu?
- Latest