Talo sa kaso: Rosanna Roces pinagbabayad ng P1.5 M sa GMA
SEEN : Ang clarification ni Lian Paz na manliligaw at hindi niya boyfriend ang businessman na si Jan Cabahug pero iba ang sinasabi ng mga litrato nila.
Hindi pa annulled ang kasal ni Lian sa asawang si Paolo Contis.
SCENE: Introducing ang billing ng pangalan ni Renz Fernandez sa Prinsesa ng Buhay Ko dahil ito ang unang project niya sa GMA 7.
Nag-umpisa sa ABS-CBN ang acting career ni Renz, ang bunso nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez.
SEEN : Hindi natupad ang kagustuhan ni Martin Nievera na ilihim ang mga guest niya kagabi sa kanyang 3D anniversary concert sa Smart Araneta Coliseum dahil inilagay ni Anne Curtis sa Instagram account nito ang litrato ng kanilang rehearsal.
SCENE : Bekikang: Ang Nanay Kong Beki ang kumpletong pamagat ng launching movie ni Joey Paras.
Sa Oct. 16 ang playdate ng Bekikang sa nationwide theaters.
SEEN: Natalo si Rosanna Roces sa kaso ng breach of contract na isinampa ng GMA Network, Inc. noong 2004 dahil sa paglabas niya sa mga programa ng ABS-CBN habang may bisa pa ang kanyang exclusive contract.
Ang bayaran ni Rosanna ng P1.5 million ang GMA ang desisyon ni Judge Alfonso C. Ruiz III ng RTC Branch 216 ng Quezon City.
SCENE : Sina Dr. Vicki Belo at TV5 Chairman Manny Pangilinan ang dalawa sa popular residents ng condominium building sa The Fort, Taguig City na tinitirhan ni Janet Lim-Napoles at ng pamilya nito.
SEEN : Kahapon ang huling araw ng taping ng With a Smile, ang morning teleserye nina Christian Bautista, Mikael Daez, at Andrea Torres sa GMA 7.
SCENE: Ang panghihinayang ni Metropolitan Manila Development Authority Chair Francis Tolentino sa pag-atras sa Metro Manila Film Festival 2013 ng Be Careful With My Heart the Movie dahil ito raw sana ang magiging number one.
Tama ang pasya ng Star Cinema dahil hindi maaasahan ang mga Pilipino na magbayad sa sinehan para tangkilikin ang isang TV show na isasalin sa pelikula at libreng napapanood sa TV.
- Latest