^

PSN Showbiz

Mariel inuna ang Europe, nag-absent sa trabaho

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ilang araw nang hindi napapanood si Mariel Rodriguez sa Wowowillie dahil sumunod siya sa kanyang mister na si Robin Padilla na nasa Europe at busy sa shooting ng 10,000 Hours.

Enjoy na enjoy si Mariel dahil business with pleasure ang kanyang biyahe sa Europe. Nakapagliwaliw siya sa maraming lugar na hindi niya napuntahan sa huling bakasyon nila ni Robin.

Hindi naman magtatagal sa Europe ang mag-asawa dahil patapos na rin ang shooting ng 10,000 Hours. Babalik agad si Robin sa Pilipinas para sa ibang commitments niya. Ang 10,000 Hours ang official entry ni Robin sa Metro Manila Film Festival 2013. Ang controversial businessman na si Neil Arce ang isa sa mga producer ng pelikula.

Martin namigay ng plaka, LP player na lang ang problema

Makakahinga na nang maluwag si Martin Nievera dahil successful ang anniversary concert niya na ginanap kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Puwede nang mag-relax-relax si Martin na nakakatuwa dahil sa LP record na ibinigay niya sa akin.

Hindi na uso ang long-playing record na gawa sa vinyl pero ito ang kopya na ibinigay sa akin ni Martin nang magkita kami.

Ang mga plaka ang usung-uso noong araw bago pa naimbento ang mga cassette, CD, at kung anik-anik pa.

Isa na lang ang problema ko, kailangang maghanap ako ng LP player para mapakinggan ko ang bagong album ni Martin. Mahirap nang makahagilap ng LP player pero may nakapagsabi sa akin na nabibili pa rin ito sa Raon St. sa Quiapo, Manila at sa mga antique store. Eh kung harbatan ko na lang kaya si Martin ng LP player para hindi na ako mamroblema pa?

Isang pelikula sa Sineng Pambansa barya-barya ang kinita

Ang Lihis ang top grosser sa unang araw sa SM Mall cinemas ng mga pelikula na kasali sa Sineng Pambansa: All Masters Edition. Ito ‘yung mapangahas na pelikula nina Lovi Poe, Isabelle Daza, Joem Bascon, at Jake Cuenca. Hindi ko na sasabihin ang pamagat ng project na nangulelat sa takilya at may box-office gross na four figures para hindi naman kahiya-hiya ang mga artista at direktor ng pelikula.

Natuloy na rin ang pagbubukas sa SM Cinemas noong Huwebes ng mga pelikulang Badil at Tinik. Mabuti na lang, umabot ang mga entry ng mga direktor na sina Chito Roño at Romy Suzara.

Binoy Henyo masipag mag-promote kahit magbababu na

Magsisimula sa Lunes ang huling linggo sa telebisyon ng Binoy Henyo, ang early primetime show ng child star na si David Remo.

Goodbye TV na ang Binoy Henyo at papalitan ito ng Prinsesa ng Buhay Ko, ang TV show nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Kesehodang malapit nang magpaalam ang Binoy Henyo, masipag mag-promote ang cast. Bumiyahe ngayon sa Cebu sina Sheena Halili, Gwen Zamora, at Lucho Ayala para sa kanilang show sa Gaisano Grand Mall Dumanjug sa Cebu. Libre ang admission para sa mga gustong makita ng personal ang mga artista ng Binoy Henyo.

Benhur mukhang dugyot sa long hair

Napanood ko na lang sa mga news program ang bahagi ng testimony ni Benhur Luy tungkol sa pork barrel scam.

Si Benhur ang tinatawag na man of the hour. Hindi ko type ang long hair ni Benhur dahil hindi malinis tingnan. Kailangan niya ng mahusay na hairstylist para ma-reinvent ang kanyang physical appearance at hindi siya magmukhang dugyot sa paniningin ng madlang bayan.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALL MASTERS EDITION

ANG LIHIS

BENHUR

BINOY HENYO

SINENG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with