Pero ayaw sabihin ang sakit Marjorie matagal nang nasa hospital
SEEN: Prayer vigil at hindi rally ang ginanap kahapon sa EDSA Shrine kaya mali ang komento ni Rafael Rosell na
“Bawal ang placard..? Para hindi maging political rally..? So... Hindi tungkol sa politika ang rally..? Parade lang pala, ganun?â€
SCENE : Kahapon ang simula ng Sineng Pambansa pero hindi nakahabol ang Badil, ang pelikula ni Chito Roño at ng Tinik na mula naman sa direksyon ni Romy Suzara na parehong nasa kategorya ng All Master’s Edition.
Shocked ang mga gustong manood ng dalawang pelikula.
SEEN: Si Joey Paras at hindi na si DJ Durano ang signature actor ng direktor na si Wenn Deramas. Kasama si Joey sa lahat ng mga project ni Wenn at deserving siya dahil sa kanyang talent sa pag-arte.
SCENE: Kahapon ang taping ng pilot episode ng The Mega and the Songwriter. Worried si Sharon Cuneta noong Martes dahil paos at inuubo siya.
SEEN: Special guests sa anniversary concert ni Martin Nievera sina Anne Curtis, Regine Velasquez at Aiza Seguerra. Ang Smart Araneta Coliseum ang venue ng September 13 concert ni Martin na may pamagat na 3D bukas ng gabi.
SCENE: Naging prangka si Martin Nievera sa Star Magic Ball 2013 noong Sabado dahil sinabi niya sa mga big boss ng ABS-CBN na bigyan siya ng TV show. Si Martin ang host ng Star Magic Ball.
SEEN: Ilang araw nang naka-confine sa ospital si Marjorie Barretto pero hindi niya sinasabi ang kanyang karamdaman. Hindi pumapalya sa pagbisita kay Marjorie ang kanyang mga anak.
SCENE: Ang “so what?†attitude ng karamihan sa sensationalized news tungkol sa pagsakay nina Kris Aquino at Congressman Manny Pacquiao sa MRT noong Martes upang makarating sila sa kanilang mga appointment. Sobrang traffic noong Martes dahil sa malakas na ulan.
SEEN: Si Judy Ann Santos ang host ng Bet on Your Baby, ang upcoming TV show ng ABS CBN. Pumirma kahapon ng kontrata si Judy Ann sa ABS CBN para sa kanyang bagong programa.
- Latest