Mga minamanok na pelikula sa Oscars mas marami ang Indie
Parang ngayon lamang nabalita ang masugid na paghahanda ng mga taga-pelikula, particular na ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang masuÂsing pagpili para sa pelikulang ipadala natin sa Oscars para sa kategorÂyang best foreign film. Bumuo ang FAP ng komite na siyang pipili ng isa sa mga pelikulang Boses, Dance of the Steel Bars, Tiktik: The Aswang Chronicles, Ekstra: The Bit Player, Supremo, Tuhog, El Presidente, On the Job, at Thy Womb para ipadala sa nasabing makulay at sinusuÂbaybayang awards night. Naatasang makasama sa komite para pumili ng entry mula sa walong pelikulang kinokonsidera sina Peque Gallaga bilang chairman, director/actress Gina Alajar, Jess Navarro ng United Film Editors Guild of the Philippines, Robert Arevalo, FAP Director General, Jose Carreon, Directors Guild of the Phils., William Mayo, Phil. Motion Picture Directors’ Association, Manny Morfe, Production Designers Guild of the Phils., at Director Elwood Perez.
Kapansin-pansin na sa walong pelikula na pagpipiÂlian, tatatlo ang mainstream, ang lima ay mga indie film. Ang apat ay dinirihe ng tatlong mainstream directors (Erik Matti, Jeffrey Jetturian, Mark Meily) habang ang apat ay gawa ng mga direktor ng indie (Cesar Apolinario at Marnie Manicad, Veronica Velasco, Brillante Mendoza, at Ellen Ongkeko-Marfil).
Coco, pinaka-maimpluwensiya na endorser
Masaya ang Kapamilya Network dahil hindi lamang bumabalandra sa ere ang Juan dela Cruz ni Coco Martin sa maagang primetime. Napili rin ang aktor bilang isa sa Most Influential Celebrity Endorsers of the Year ng 3rd EdukCircle Awards. Personal nitong tinanggap ang kanyang parangal na ginanap sa UP Film Institute kasama ang iba pang Kapamilya na tulad nina Boy Abunda at Kris Aquino. Hindi nakapagtataka kung after this ay mas maging in demand pa ang aktor sa product endorsements.
Samantala, aligaga na ang manonood sa pag-iisip kung ano bang katauhan ni Coco ngayon sa JDC ang mangingibabaw, ang kanya bang pagiging aswang o ang pagiging tagaÂpagtanggol ng tao laban sa aswang?
Mikael minamadali na ang trabaho para mapanood si Megan
Kung dati ay halos ayaw ipagmakaingay nina Mikael Daez at Megan Young ang kanilang relasyon, ngayon ay hindi na naitago ng Kapuso actor ang kanyang nararamdaman para sa Kapamilya actress habang ito ay rumarampa sa pageant ng Miss World Philippines.
Ngayon ay balitang panay ang paghahanda ni Mikael para matapos ang lahat niyang trabaho at commitments para nakapunta rin ng Bali, Indonesia para mapanood ang finals ng Miss World na balitang matunog na kandidato ang girlfriend niyang Miss World Philippines.
- Latest