^

PSN Showbiz

Kris nai-stress sa pagiging stage mother

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Natuloy last Saturday  ang first day shooting ng My Little Bossings, ang MMFF entry na bida ang mga bagets na sina Bimby Yap at Ryzza Mae Dizon kasama sina Kris Aquino at Vic Sotto.

Sa San Juan ang location at maraming pinost na pictures si Kris sa kanyang Instagram. May picture si Bimby na maraming bags ang nakasabit sa katawan at ang caption ng TV host-actress ay “Nag-alsa balutan.” 

Post ni Kris: “It is much more stressful to be a stage mother/producer than to be 1 in front of the camera. But honestly, this has also been so undeniably enjoyable & fulfilling!!! Oprah would always talk about The Next Chapter, I think I’m already living mine. Super pagod, pero super happy.”

Barbie ayaw seryosohin si Derrick, si Dennis talaga ang gusto

Kung si Barbie Forteza lang ang masusunod, ayaw niyang ligawan siya ng ka-love team sa Anna Karenina na si Derrick Monasterio. Ayaw niyang masira ang friendship nilang dalawa na tiyak mang­yayari ‘pag nagseryoso na manligaw ang young actor at ‘pag naging sila.

Kapag hindi nagpapigil si Derrick at manligaw pa rin, gusto ni Barbie na hindi ito magpapa-cute, magpapa-impress at babaguhin ang ugali dahil magiging plastic daw ito at hindi niya magugustuhan. Gusto sana ni Barbie na friends at love team na lang sila, pero hanggang kailan niya mapipigilan si Derrick?

May nagtsika sa amin na noong birthday ni Derrick, nag-emote ito at gusto pa raw maiyak dahil hindi maintindihan kung bakit ayaw maniwala ni Barbie na mahal niya ito hindi bilang kaibigan, kundi gusto maging GF.

Samantala, after Anna Karenina, wala pang next project si Barbie, ang ganda ng ngiti nito sa suggestion ng press na sana pagtambalin sila ni Dennis Trillo sa isang rom-com series. Tinukso tuloy siya ni Derrick na kinikilig. Hahaha!

Sana Maulit Muli ni Gary, gagawan ng English version ni Patti Austin

Nabasa namin ang tweet ng international singer na si Patti Austin na hinihingi ang pahintulot ni Gary Valenciano na lapatan ng English lyrics ang hit song ni Gary na Sana Maulit Muli.

Tweet ni Ms. Patti: “@GaryValenciano1 Honey, can I have your permission to write an English lyric of the song Sana Maulit Muli?’

Sagot ni Gary: “Of course u can put English lyrics to Sana Maulit Muli . I know those lyrics will come fr. d heart wer it always shud stem fr. What you said couldn’t have been said in any other better way. The Philippines loves you!”

So, maghintay-hintay lang tayo at ‘pag walang magiging problema, mari­rinig natin ang English version ng Sana Maulit Muli  na isa sa mga kanta ni Gary na gusto ng buong Pilipinas at theme song yata ng lahat ng Pinoy.

Ang alam namin, sina Angeli Pangilinan-Valenciano at Rowell Santiago ang nagtulong sa pagsulat ng nabanggit na kanta at si Gary ang naglapat ng melody.

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

ANNA KARENINA

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BIMBY YAP

DENNIS TRILLO

DERRICK MONASTERIO

PATTI AUSTIN

SANA MAULIT MULI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with