^

PSN Showbiz

Derek masyadong demonstrative kay Cristine!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami ang kinilig na manonood sa mag-sweetheart na sina Derek Ramsay at Cristine Reyes na ikinuwento ang pagsisimula ng kanilang romansa sa The Buzz noong Linggo. Sa kanilang pag­labas sa TV nang magkasama, napatunayan ng lahat na totoo at hindi isang gimik ang kanilang relasyon. Lumabas kasi ang bali­ta na pang-promo lang ang closeness nila pero lahat ng nakapanood sa kanila ay sigurado na hindi put on ’yung relasyon nila. Kita talaga sa tinginan pa lang at sa pagdidikit ng mga katawan nila na it was the real McCoy. ’Kakakilig talaga!

It was the first time yata na nakita ang hunk actor na ganun ka-soft at ka-demonstrative sa kanyang girl. Kahit bago pa lamang ang kanilang romansa, parang old couple na sila na ang lahat ng kuwento at sinasabi ay nagtutugma. Mukha talaga silang in love.

Michael hindi muna aarte

Habang nagtatagal sa kanyang pagkanta ang latest na Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan ay lalo itong gumagaling. Nagsisimula na rin itong maging photogenic. Dati kasi talagang hindi maganda ang rehistro niya sa mga photo niya. Kinakailangan pa siyang makita ng personal para lang malaman na guwapo pala siya.

At 19 years old pa lamang siya. Give him more time at bukas hindi lang, ang mga kolehiyala ang maghahabol sa kanya kundi ang mga mas may edad ding babae.

Si Michael marahil ang may pinakamagandang version ng kantang Dance With My Father pero ang revival niya ng Kung Sakali na unang pinasikat ni Pabs Dadivas ang talagang maglalagay muli sa kanta sa listahan ng top hits. Paborito na itong patugtugin sa radyo ngayon.

With his success in the music scene, may offer na si Michael na mag-artista pero tumatanggi pa ang kanyang ma­nager na si Jobert Sucaldito. Gusto nitong mas sumikat pang singer si Michael bago niya ito pakawalan sa pag-aartista.

“Bata pa naman siya. He has all the time to establish himself as a singer. Pi­nagkakakitaan na niya ang pagkanta niya. Kapag sikat na siya puwede na akong tumanggap ng teleserye para sa kanya,” sabi ng katotong Jobert.

Valerie ayaw pumatos ng mas bata

Sayang, kung mahilig lang si Valerie Concepcion sa mga bagets, baka may kinapuntahan na ang  pagpapalipad hangin sa kanya ni Derrick Montasterio, gumaganap na anak niya sa Anna Kare­nina. Pero hindi younger kundi a little older men ang tipo ng aktres na dahil sa sobrang salbahe sa serye ay nakakatanggap na ng mga threat mula sa mga manonood ng TV.

“Gusto na nga nila raw akong patayin. Natatawa lang ako dahil ibig sabihin lang eh effective ’yung pagpapahirap na ginagawa ko sa tatlong Anna Ka­re­nina,” pagmamalaki ng aktres.

Napaka-makulay din ng kanyang love life, meron na namang doktor na manliligaw siya ngayon. “Nanliligaw pa lang at intern pa lang siya,” pagtutuwid niya.

Kung gugustuhin niya ay puwede na siyang mag-asawa. Nine years old na ang anak niyang si Heather at promise niya rito ay pagdating ng 10 years old ay papayagan na siya nitong mag-isip ng marriage.

vuukle comment

ANNA KA

ANNA KARE

CRISTINE REYES

DANCE WITH MY FATHER

DEREK RAMSAY

DERRICK MONTASTERIO

LANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with