^

PSN Showbiz

Gerald nagba-basketball ’pag may mga problema

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Maraming bata ang nakakuha ng scholarship dahil sa isinagawang charity basketball game ni Gerald Anderson noong isang linggo para sa Hero Foundation. Sumali sa nasabing palaro ang malalapit na kaibigan ng aktor sa industriya. Masayang-masaya ang aktor dahil alam niyang maraming makikinabang sa ginawa nilang pagtulong ng mga kaibigan.

“Pangarap ko rin kasi maka-graduate ng college pero hindi ko nagawa kasi siyempre nag-artista ako kaagad. So, kahit paano nakita ko sila, ’yung mga bata at ang sarap ng feeling na alam ko makakapag-aral sila kahit paano dahil nakatulong ’yung event,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Sinisiguro raw ng binata na marami pa siyang plano para muling makatulong sa mga nangangailangan.

“Of course, of course. Hindi naman kailangan na basketball lang eh kasi even them they have their own events na I can always go to. I’m an ambassador and gusto kong panindigan ’yun with them kahit na maliit na tulong man ’yun,” giit ni Gerald.

Samantala, todo-suporta naman ang kasintahang si Maja Salvador na dumalo rin sa nasabing event kaya lalong naging inspirado si Gerald sa paglalaro noon.

“Alam mo ’yung inspiration na ’yan saka ’yung inspiration ng mga bata pantay eh. Nakita ko sila, saka ’yung ibang nakakuha ng scholarship because of this event. So, isipin mo they get to go to school because ka­ming celebrities nag-basketball lang kami so malaking bagay ’yan. Saka sports is the best eh. Kumbaga, minsan ako, noong down ako at may trials sa buhay, may challenges, I always go to sports like basketball kasama ng mga kaibigan ko,” paliwanag ng aktor.

Bangs naghubad kahit kontra ang conservative na pamilya

Walang karelasyon ngayon si Bangs Garcia pero ayon sa dalaga ay hindi rin niya pinapangarap na magkaroon ng kasintahan na isa ring artista.

“I’ve never been with a showbiz guy before at tinatanong din ako ng best friends ko kung bakit daw hindi ako nag-boyfriend ng showbiz. Siguro may wall ako,” bungad ni Bangs.

“If ever may dumating sa buhay ko na may potential na maging siya ang right guy for me then why not? I’m not dating anyone right now and I’m getting mature and I think wala naman sigurong masama na mag-boyfriend ako ng showbiz.”

Samantala, nagpaka-daring daw si Bangs sa pelikulang Lauriana na mapapanood na sa Sept. 11.

 â€œMy most daring and my first and last kasi ang mom ko conservative. Actually, my whole family is conservative and medyo ayaw na niya eh pero sabi ko naman sa mom ko na hindi naman totally ’yung nasa script ’yun na ’yun. Puwede namang i-improvise. Saka I didn’t feel that I was taken advantage. Sobrang ina­lagaan ako ng director (Mel Chionglo),” pagtatapat ng aktres. Si Ricky Lee ang sumulat ng istorya ng nasabing pelikula kaya tiyak na maganda. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                    

AKO

BANGS GARCIA

GERALD ANDERSON

HERO FOUNDATION

MAJA SALVADOR

MEL CHIONGLO

SAKA I

SAMANTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with