Kailangan pa ng sponsor eh bilyonaryo naman ang tatay: Meryll walang-walang pera, Willie Revillame walang paki sa pag-aaral sa London
MANILA, Philippines - “Walang-wala.â€
‘Yan ang sabi ni Meryll Soriano sa isang interview dahil naubos ang kanyang mga kinita sa kanyang pag-aaral sa London. Kumukuha ng Product Design sa arts and design school na Central Saint Martins College of Art and Design sa London si Meryll.
Nakadalawang taon na raw siya sa nasabing kurso sa tulong ng sponsor at hoping siya na makakabalik siya sa London para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nakabakasyon siya sa bansa ngayon. ‘Yan ay kung makakakuha raw siya ng sponsor.
Aminado ang actress na hindi raw siya suportado ng kanyang amang si Willie Revillame dahil hindi sila nagkakaintindihan.
Ang tanong ng fans : Asan na raw ang image ng TV host na pagiging matulungin sa mahihirap eh ‘yun palang sarili niyang anak ay kinakailangan pa ng sponsor para magkapag-aral sa London?
Bakit daw natitiis ng ama ang sariling anak samantalang sa ibang tao ay matulungin siya?
May sariling building, yate, jet, at maraming bahay at mga mamahaling sasakyan ang mga sinasabing kayaman ng TV host na tuloy ang pagreretiro ayon sa kanyang kampo pero hindi pala tinutustusan ang pag-aaral ng anak.
Kaya nga umaasa si Meryl ayon sa naturang interview na makakaipon or may magandang loob na tumulong para maituloy niya ang kinukuhang kurso.
MMFF hindi na pinalitan ang umurong na my super kap, pito na lang ang kasali
Meron pang hanggang October 4, 2013 ang mga bagets na filmmakers para mag-submit ng kanilang entries sa Cinephone, Student Short Film, Animation and Full Feature categories para sa gaganaping 2013 Metro Manila Film Festival.
Nagsisilbing prelude sa taunang MMFF, and Cinephone, na nasa second year na, ay cell phone movie-making contest na open sa lahat ng mga high school and college students. Ang mga gustong sumali should submit a duly accomplished entry form kasama ang synopsis ng kanilang story and proof na sila ay nag-aaral. Bukod sa film scholarships and internships, ang mananalo sa CinePhone ay tatanggap ng P25,000.
Kesa paglaruan lang ang cell phone video, magandang opportunity ang ibinibigay ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang namamahala sa MMFF, sa mga estudyante sa high school and college.
Mismong si MMDA Chairman Francis Tolentino, ang head ng MMFF, ang nagsabi na ang New Wave FilM Festival encouraged young talented filmmakers na maipakita ang kanilang potential.
Ang Student Short Film category naman ay open to all tertiary students.
Ang short film ay hindi lalampas sa twenty minutes at hindi pa nakakasali sa ibang film competitions. Ang entries should be submitted sa limang playable DVD sa AVI format. Ang mga mananalo naman sa Student Short Film ay tatanggap ng P50,000 for the Best Picture at P25,000 for the Special Judy Prize kasama ang film scholarships and internships.
“Ang mga ideya ng pagbabago ay dapat manggaling sa mga kabataan. Ating bigyan ng puwang ang mga bagong malikhaing diwa at bigyan ng pagkakataon sa industriya. Ang totoong premyo ay ang kanilang ambag sa pagbabago,†banggit ni MMDA chair.
For the first time, this year ay magkakaroon ng Animation category. Ang contest ay open sa all Filipino professional and student, amateur animators. Ang entries must have a maximum running time of 12 minutes at never pang nagkaroon ng commercial exhibition dito o maging sa abroad. Ang winners ay tatanggap ng P100,000 for the Best Picture and P50,000 for the Special Jury prize.
At ang entries sa Full Feature category ay hindi pa dapat napapalabas sa local and international festivals at may total running time na 75 minutes. Ang mananalo ay tatanggap naman ng P300,000 for the Best Picture; P200,00 for the Special Jury Prize; P50,000 each for Best Actor, Best Actress and Best Director, post production packages at iba pa.
Pitong pelikula na lang ang maglalaban-laban sa Full Feature Category matapos umurong ang pelikulang My Super Kap ni Sen. Bong Revilla. :
Sampung Libong Oras (of Philippine Film Studio) with Robin Padilla, directed by Joyce Bernal; San Pedro Calungsod (Hubo Production) with Rocco Nacino, by Francis Villacorta; Boy, Girl, Bakla, Tomboy (Viva Films/Star Cinema) with Vice Ganda and Maricel Soriano, by Direk Wenn Deramas; Be Careful with My Heart (ABS-CBN Film Productions) with Richard Yap and Jodi Sta. Maria, by Jeffrey Jeturian; Pagpag (ABS-CBN Productions, Skylight Films and Regal Entertainment) with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, by Frasco Mortiz; Kimmy Dora (Prequel) of Spring Films, with Eugene Domingo and Sam Milby, by Chris Martinez; and My Little Bossing (OctoArts Films, M-Zet TV Productions, APT Entertainment and Kris Aquino Productions) with Vic Sotto and Kris Aquino, directed by Marlon Rivera.
- Latest