Babawi Marian pagsasabayin ang drama at comedy!
Excited nang magtrabaho muli ni Marian Rivera after ng five months na pahinga at doble ang excitement dahil sabay niyang gagawin ang soap at sitcom. Wala pa nga lang details on both shows pero nailatag na sa kanya na original ang concept at straight drama ang gagawin niyang soap.
Nabanggit ni Marian na si Suzette Doctolero ang scriptwriter ng soap. Sila ni RJ Nuevas ang alam naming magkatulong sa script. May tsika ring si Dominic Zapata ang magdidirek ng soap na kung totoo, reunion nila after Temptation of Wife.
Natutuwa si Marian dahil tinanong siya nina Suzette at RJ kung ano ang gusto niya sa kanyang soap at binigyan din siya ng laya ng network na magbigay ng input sa story at magbigay ng suggestion sa magiging leading man.
Sa DongYan fans na naghihintay ng muling pagtatambal nina Marian at Dingdong Dantes, “Malay n’yo sa isang taon,†ang sagot ng aktres. Sa tanong kung ibig sabihin nito’y mananatiling Kapuso ang aktor, napangiti lang si Marian.
Na-share rin ni Marian na may new endorsement siya at nag-shoot na siya ng TV commercial at next year ay may two endorsements siyang papasok.
Malapit na ring magsimula sina Marian at AiAi delas Alas mag-promote ng Kung Fu Divas na showing sa Oct. 2 at kasama rito ang pagpi-feature sa kanya sa Star Studio magazine. Willing din siyang pumunta sa ABS-CBN sa presscon dahil hindi lang siya artista ng movie kundi isa rin sa mga producer.
Geoff pumayat na, manggugulat pagbalik
May mamamatay din pala sa main character ng Mundo Mo’y Akin sa ending mamayang gabi. Sabi ni Gabby Eigenmann, hindi na binago ang ending sa week 16 na ginawa ng wriÂters. Sa gitna ini-extend ang story para umabot ng 25 weeks ang airing ng soap.
Malungkot na masaya raw ang ending dahil may namatay at may love story na hindi happy ang ending pero may closure ang conflict ng bawat isa. Nahirapan si Gabby sa role ni Ziggy na hindi alam kung bida o kontrabida.
Samantala, pinaaabangan ni Gabby ang pagbabalik ni Geoff Eigenmann. Malaki na raw ang ipinayat ng kanyang pinsan at sobrang sipag sa pagwu-workout. Sabay silang nagdyi-gym at sa first week ay siya ang masipag magyaya, ngayon ay si Geoff na ang nagyayaya. Masosorpresa raw ang lahat kay Geoff.
Amy Perez at Gelli magkasama sa bagong Face to Face
Magkasama na sina Amy Perez at Gelli de Belen sa bagong show ng TV5 na kapalit ng Face to Face at ang title ay Face the People. Sa October na raw ito magsisimulang umere.
Parang mas malaki ang scope ng Face the People kesa Face to Face sa title pa lang. Mas malalaÂking problema rin yata ng mga Pinoy ang tutuluÂngang lutasin nang magkasanib na puwersa nina Gelli at Amy.
Ibang director at staff na tiyak ang bubuo ng production staff dahil kung naalala ninyo, nagkaroon ng isyu si Amy sa staff na Face to Face kaya siya nag-resign.
Tom ganap nang Kapuso talent
Certified Kapuso talent na si Tom Rodriguez dahil pumirma na ito ng network contract sa GMA Network kahapon. Sinamahan ang aktor ng manager niyang si Popoy Caritativo sa pagpirma ng kontrata sa harap ni Atty. Felipe Gozon.
Program network lang ang unang pinirmahan ni Tom para sa My Husband’s Lover at ngayon lang siya natuloy pumirma ng network contract.
- Latest