^

PSN Showbiz

Gretchen natuto nang umarte, nahasa sa mga teleserye

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

I’m sure naging strong contender si Gretchen Barretto sa nakaraang Cinemalaya Awards Night na kung saan ay nanalong best actress si Gov. Vilma Santos-Recto para sa pelikula niyang Ekstra. Maganda ang naging performance ni La Greta sa The Diplomat Hotel na isa palang horror/suspense film.

Had I known na mapapabilis ng pelikula ang tibok ng puso ko, hindi na sana ako nanood. Galing ako sa isang away sa isang kasamahan sa Philippine Movie Press Club at naghahanap ako ng paraan para mawala ang stress ko sa pamamagitan ng panonood ng sine. ’Tapos matatakot lang pala ako?

But in fairness, malakas ang fear factor ng movie tungkol sa isang grupo ng mga gagawa ng isang docu, mula sa host nito (Gretchen), makeup artist hanggang sa cameraman (Art Acuña) at soundman (Niko Antonio) who found their tragic end sa mga kaluluwang nananahan sa nasabing lugar.

Nabalanse lamang ang excitement na ibinibigay ng pelikula ng ganda ng bidang babae nito na tala­gang malaki ang iniunlad ng acting. Salamat sa mga magaganda at mapaghamong roles na ginagampanan ni Gretchen sa mga serye ng ABS-CBN.

Eat Bulaga sinusubukan

Panahon ng pagsubok sa Eat Bulaga. Matapos itong maapektuhan ng sex scandal involving two of its artists, Wally Bayola and Yosh Rivera ng EB Babes, nasa hot water naman ito at ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahilan sa hindi raw makataong pagtrato sa pinakabatang miyembro ng show na si Ryzza Mae Dizon.

Dalawang ulit na sinasabing natanggalan nila ng dignidad ang walong taong gulang na bata nang bugahan ito ni Vic Sotto ng juice sa mukha. Sa show naman nitong The Ryzza Mae Show ay ti­na­­wag itong malanding bata ng isa sa kanyang na­ging guest. Ang pangtanghaliang show ay isang talk show na nakapaloob sa Eat Bulaga. Habang sinusulat ito ay hindi pa batid kung ano ang kinahinatnang pagpapatawag sa mga taga-EB ng MTRCB pero dasal ng marami na makatarungan lamang ang kaparusahang makamit ng show.

ART ACU

CINEMALAYA AWARDS NIGHT

DIPLOMAT HOTEL

EAT BULAGA

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

HAD I

LA GRETA

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with