^

PSN Showbiz

Media personality nagso-solicit sa mga pulitiko, nagwawala ‘pag hindi binigyan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lagot unti-unti na raw nabubuking ang ‘raket’ ng isang TV and radio personality.

Kuwento ng source, naglilibot daw ang ‘bata’ ng TV and radio personality sa ilang pulitiko para mag-solicit. Yup, may tao raw itong ‘nakikipag-negotiate’ para sa solicitation. Pero ang mahal daw ng sponsorship. Pinaka-mababa raw ang P500K. Kaya ang ibang pulitiko raw, tumatangging magbigay.

Yung isang pulitiko raw, hinihingan ng P800K at ‘yung isa ay P1.5 M. Pero hindi raw pareho nagbigay kaya ang ending, binibira raw ang dalawang pulitiko ng nasabing media personality.

Pero hindi raw nakatiis ang isa sa mga pulitiko dahil nagsumbong daw ito sa presidente ng network. At ‘yung isa pa raw hinihingan, planong sumulat sa kinauukulan ayon sa source.

‘Yun isa namang pulitiko, hinihingan din daw kaso hindi rin nagbigay kaya laging nakakatikim ng birada.

Hmmm. Sino kaya ang media personality na ito?

Masyadong big time kung totoo ang kuwento ng source.

Sharon magiging visible na!

Matapos ang mahaba-habang pahinga, magiging visible si Megastar Sharon Cuneta sa TV5. Magiging co-host siya ni Aga Muhlach sa dalawang episode ng Pinoy Explorer at maglalaro rin siya sa nagbabalik na Who Want’s To Be a Millionaire hosted by Vic Sotto.

At mag-i-start na rin ang airing nila ng show ni Ogie Alcasid na The Mega and the Songwriter. Weekend ito at pampa-relax ang concept.

Kinumpirma ito ni Mr. Wilma Galvante, TV5 Chief Entertainment Content Officer nang humarap sa entertainment media kasama ang TV5 President and CEO Mr. Noel Lorenzana.

Kaya tiyak na burado na ang isyu na umano’y gusto na niyang iwan ang network kahit meron siyang kontrata.

At inulit niya ito sa mga tweet niya kahapon :

“Sa mga nagtwi-tweet nag tanong na kung babalik po ako sa Kapamilya, ang sagot ko po ay hindi. May kontrata ako sa TV5, at ina­alagaan naman nila ako. Lagi pa rin nasa puso ko ang Kapamilya at 23 yrs akong nandoon mula nung nag-uumpisa pa sila ulit at di pa nag-number one. Pero ako po ngayon ay Kapatid na at masaya po ako. Thank you!”



International Film Exposition first time gaganapin sa Pilipinas

Bubuksan bukas, September 6, ng Film Development Council of the Philippines  (FDCP) chaired by Mr. Briccio Santos ang kauna-unahang International Film Exposition (IFX) sa bansa na gaganapin sa SMX Convention Center.

Ang IFX ay isa sa mga premier film expositions and film markets in South East Asia.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng film exposition sa bansa na ang objective ay ma-develop ang Pilipinas into a hub for film in the Asian region sa pagsasama-sama ng local and foreign film makers, producers, developers, stakeholders, services, and other prominent players in order to plan out partnerships and co-productions as well as have technological and educational exchanges.

The film market presents film-related products and companies in an open market slated to showcase their wares and services. Featuring ang mahigit 50 exhibitors including people from the international and local front on the show floor, booths related to film technology, production, distribution, and the like will be showcased.

Kasama sa mga prominent contributors na sasali mula sa atin ang Star Cinema, GMA Films Inc., Revolution Media Group, Viva Films, Regal Entertainment Inc., Quantum Films, and more.

May representative naman ang Taipei Film Commission, Film France, Screen Authority Sapporo, South Korea’s Munhwa Broadcasting Company, and the Hong Kong – Asia Film Financing Forum at marami pang iba.

Magkakaroon din ang ASEAN corner kung saan ang mga representative ng ASEAN countries ay ipapakita sa mga booth ang kani-kanilang works and contributions sa film development ng kanilang bansa. Kasama sa mga kasali ang mga bansa bukod sa Pilipinas ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, and Vietnam.

Mula sa open market, magkakaroon din ng International Film Conference. Bahagi nito ang symposium para sa mga professionals and enthusiasts alike kung saan tatalakayin ang kalagayan ng film industries-  sa bansa at maging sa ibang bansa. Pag-uusapan din ang technological advancements and promotion of film education ng mga authority sa global film industry.

Sa mga interesado, bisitahin ang website na www.ifx.ph. Also join sa kanilang Facebook event page  International Film Expo 2013 for more news and updates.

Bihira ang ganitong pagkakataon at baka ito na nga ang umpisa para maka-recover na ang ating film industry.

AGA MUHLACH

ASIA FILM FINANCING FORUM

CHIEF ENTERTAINMENT CONTENT OFFICER

FILM

INTERNATIONAL FILM EXPOSITION

PERO

PILIPINAS

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with