Manukan ni Joel Torre ang bilis ng asenso, may 12 branches na
MANILA, Philippines - Hindi lang sa larangan ng pag-arte mahusay si Joel Torre, pati na rin sa pagnenegosyo. Sampung taon matapos nilang buksan ang kanilang unang JT’s Manukan Grill sa Gilmore, mayroon na silang 12 branches ngayon.
Aalamin ni Karen Davila ngayon sa My Puhunan (Sept. 4) ang sikreto ni Joel bilang isang negosyante at paano niya napalago ang masarap at authentic chicken inasal na kainan nito.
Bukod kay Joel, tunghayan din ang kuwento ng pag-asenso ng dating janitor at waiter na ngayo’y sikat na caterer.
Diskarte ang naging puhunan ng may-ari ng sikat na Tamayo’s Catering para umasenso. Caterer of the Stars ang bansag kay Steve Tamayo, ang award-winning chairman ng Tamayo’s Catering Services and Restaurant.
Mula sa pamamasukan bilang janitor at waiter, naging malawak din ang karanasan ni Steve sa pagiging manager sa mga hotel hindi lamang sa Maynila kundi maging sa Middle East. Dahil sa pagbagsak ng kanyang negosyo sa Kuwait noong 1990, umuwi nang walang pera si Steve sa Pilipinas noon.
Ginamit niya ang kanyang natural na talento sa pagtitinda at pakikipag-usap sa mga tao. Limang taon matapos siyang bumalik sa bansa, naitayo niya ang Tamayo’s Catering at naging mabilis at tuluy-tuloy na ang pag-asenso.
Sa My Puhunan, tutulungan at tuturuan ni Steve ng mga diskarte sa negosyo si Sonia Adorna, isang 45 anyos na nagtitinda ng fishballs, squidballs, kikiam, at iba pa. Sa pagbibigay ng bagong puhunan at kaalaman sa tamang pagpepresyo ng paninda, umaasa si Sonia na maging hudyat na ito ng paggaan ng kanyang pamilya.
Tutukan ang My Puhunan Miyerkules, (Sept 4), 4:15 p.m. sa ABS-CBN.
Kim naiyak sa Best Drama Actress Award
“Nakakaiyak, nakakatuwa, nakakakilig, lahat na!â€
Iyon ang masayang paglalarawan ng Kapamilya actress na si Kim Chiu sa kanyang official Instagram account matapos siyang parangalan bilang best tv drama actress sa ginanap na 3rd EdukCircle Awards para sa kanyang pagganap sa top-rating primetime teleseryeng Ina, Kapatid, Anak.
Ayon kay Kim, umaapaw ang kasiyahang nadarama niya sa panibagong blessing na kanyang natanggap ngayong taon. Kamakailan ay tumabo ng mahigit P100 million sa takilya ang first movie team-up nila ni Xian Lim na Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?
“Nagpapasalamat po talaga ako sa EdukCircle dahil sa pinahalagahan nila ako bilang isang drama actress. At siyempre po, sa ABS-CBN, sa Dreamscape, at sa lahat ng bumubuo ng Ina, Kapatid, Anak for always bringing out the best in me,†masayang pahayag ng aktres na bida sa pinakaÂbagong Wansapanataym month-long special.
Ngayong Sabado (Sept. 7) sa pagsisimula ng Wansapanataym Presents My Fairy Kasambahay, gagampanan ni Kim ang papel ng pasaway na dalagang si Elyza. Dahil sa kanyang ugali, parurusahan si Elyza ng Fairy Mayordoma (John “Sweet†Lapus) na maranasan na maging isang katulong.
Paano babaguhin si Elyza ng kanyang bagong pagkatao kapag naramdaman niya kung gaano kasakit ang mga pang-aapi na ginagawa niya dati sa mga taong nagpapakahirap mag-aalaga sa kanya at sa kanilang pamamahay?
Tampok din sa WanÂsapaÂnataym Presents My Fairy Kasambahay sina Joseph Marco, Shamaine Buencamino, Miguel Vergara, Arnold Reyes, Simon Ibarra, at Angel Aquino. Ito ay sa ilalim ng panulat nina Cris Lim at Arlene Tamayo, at sa direksiyon ni Jerry Sineneng.
Miss Earth tinuruang mag-make up at mag-ayos ng buhok
Abangan ang kinoronahang Ms. Philippines Earth 2013 na si Angelee delos Reyes ngayong Sabado, Setyembre 7 alas 9:00 hanggang alas-10 ng umaga sa kinagigiliwang lifestyle show ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes, todo Na Toh (GRR TNT).
Sa pagdalaw ni Angelee sa One On One Gandang Ricky Reyes Salon sa 172 Aurora Blvd., San Juan City ay gagawan siya ni Mader Ricky ng “make over†na lalong magpapalitaw sa kanyang mala-reynang kagandahan.
“Tinuruan din ako ni Mader ng madaling pag-aayos ng buhok at paglalagay ng make-up para sa paglahok ko sa Miss Earth Pageant. Sa competition proper kasi, walang tutulong sa pag-aayos mo. Kami-kami na lang. Thankful ako kay Mader sa mga itinuro niya,†sabi ni Angelee na nangangakong iuuwi niya ang korona, titulo at sentro sa nasabing event.
Samantala, may interbyu si Mader sa isang dating actor na member ng That’s Entertainment ni Kuya Germs (Moreno). Operada na ang protégée at sa pangalang Zyrene Mae Veranona ay nagwaging Miss Gay World 2011 sa Bangkok, Thailand. Maaaliw kayong tiyak sa mga karanasan sa pag-ibig ng transgender na ito.
Mahirap ang buhay ng call center agents na ‘di lang 8 oras kundi minsa’y 16 oras ang duty. Ipakikilala sa GRR TNT ang maganda at seksing si Riri Verdol na sa tulong daw ng MX3 capsule, tea, and coffee ay nananatiling malusog, malakas at laging handang magtrabaho nang mahabang oras.
Sasampulan ng former beauty queen na si Peachy Veneracion ang isang paraan ng pagbabawas ng timbang na ang paraa’y non-invasive, walang aray at ‘di nakakaapekto sa kalusugan. Ito ngayon ang kinalolokohan ng mga babaeng laging tipo ang whistle-bait figure.
- Latest