Kang Chi mag-aanyong gumiho
MANILA, Philippines - Hindi na nga matatalikuran ni Kang Chi ang nakatakda dahil lalabas na ang kanyang pagiging isang gumiho ngayong Martes (Sept. 3) sa The Love Story of Kang Chi. Nagbabalik sa eksena si Jo Gwan Woong, ang dahilan ng kamatayan ng tunay na maÂgulang ni Kang Chi.
Makakaengkuwentro ito ni Kang Chi at isang kaganapan ang uudyok sa kanya para biglang mag-aanyong gumiho sa unang pagkakataon. Paano ito haharapin ni Kang Chi? Paano magbabago ang pakikitungo ni Chung Jo sa napapalapit na kaibigan? Tanggapin kaya ang bida ng taong bayan o itataboy sa kabila ng pinakita niyang malasakit at kabutihan?
Huwag palalampasin ang The Love Story of Kang Chi ngayong Martes na, 5 p.m., sa first and true home of Asianovelas, ang ABS-CBN.
- Latest