Dating aktres noong dekada 80 na si Pia Moran hindi ikinahihiyang nagtitinda na lang ng maruya
MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, Agosto 31, tunghayan ang kuwento ng mga Tunay na Buhay ng dalawang maningning na butuin noong dekada ’80 – ang Pinoy rapper na si Vincent Daffalong at ang sexy actress na si Pia Moran.
Si Vincent Quilet o mas nakilala bilang Vincent Daffalong ay isa sa mga itunuturing na pioneer ng Philippine Rap. Sa hulma ng kanyang ilong kinuha ang screen name na “Daffalong†na ang ibig sabihin ay “dapa ang ilong.†Nagsimula bilang kompositor ng mga kanta, matiyaga niya noong ipinapasa ang kanyang mga likha sa iba’t ibang recording company. Dahil sa kanyang pagsusumikap, hindi lang ang kanyang mga kanta ang napansin kundi pati na rin ang galing niya sa pagra-rap. Ilan sa mga tumatak na kanta niya ang Mahiwagang Nunal, Ispraken Delight, at Machoching. Kamusta na kaya ang kalagayan niya ngayon matapos siya iwanan ng kanyang pamilya?
Si Maria Susan Casino naman, mas kilala sa tawag na Pia Moran, ang tinaguriang Ms. Body Language ng dekada 80. Sa kanyang kaseksihan at galing sa pagsayaw, naabot ni Pia ang kasikatan at pangarap na makatulong sa pamilya. Ilan sa matatandaan na pelikulang kinabilangan niya ang Boni & Klayd kasama si Redford White, at ang Nardong Putik kasama naman si Ramon Revilla, Sr. Sa kasalukuyan, hindi ikinahihiya ni Pia ang pagtitinda ng maruya at turon sa kanilang lugar. Kamusta na rin kaya siya?
Samahan si Rhea Santos na silipin ang mga Tunay na Buhay nina Vincent Daffalong at Pia Moran ngayong Sabado pagkatapos ng Kapuso Movie Night sa GMA 7.
- Latest