^

PSN Showbiz

Derek kung kani-kanino na-link, kay Cristine pala tatamaan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Although wala pang tahasang pag-amin na nagmumula nang sabay kina Derek Ramsay at Cristine Reyes ay nauna nang umamin ang TV5 hunk sa kanilang nabuong relasyon. Nagkalapit sa isa’t isa ang dalawa nang kanilang gawin ang hit movie na No Other Woman.

After his breakup with Angelica Panganiban na masa­ya ngayon kay John Lloyd Cruz, kung kani-kaninong pa­ngalan na-link si Derek pero ang ending ay sila pala ng nakababatang kapatid ni Ara Mina.

Samantala, muling magkatrabaho sa bagong teleserye ng Dos ang ex-lovers na sina Cristine at Rayver Cruz pero walang ilangan factor sa kanilang dalawa dahil kahit hindi na sila, nanatili silang magkaibigan at komportable silang magkatrabaho even after their breakup unlike ’yung iba na nagsisiraan at nagtatapos na magkaaway.

Mag-best friend sa tunay na buhay sina Ge­rald Anderson at Rayver.

Toni pinagkakatiwalaan ng ABS-CBN

Alam mo, Salve A., wala sigurong kukuwestiyon kung sasabihin na isa si Toni Gonzaga sa mga pinakamahusay na female TV host ng bagong henerasyon. Nagsimula ang TV hosting job ni Toni sa bakuran ng Eat Bulaga, the country’s longest-running and top-rating noontime show hanggang sa siya’y lumipat sa bakuran ng ABS-CBN kung saan lalo nahasa ang kanyang pagiging mahusay na TV host.

Marami-rami na ring hosting jobs ang ipinagkatiwala sa kanya ng Dos at kasama na rito ang franchise ng seasonal show na Pinoy Big Brother at ngayon ang Voice of the Philippines. Nariyan pa ang kanyang lingguhang showbiz talk show with Boy Abunda and Charlene Gonzales, ang The Buzz, at ang Sunday musical show na ASAP.

Bukod sa hosting, may iba pang talent si Toni, singing and acting. In demand din siyang celebrity endorser.

Kung maganda ang takbo ng showbiz career ni Toni, ganoon din naman ang kanyang love life. G­oing strong pa rin ang kanilang matagal na relas­yon ni director-producer Paul Soriano. Bago si Direk Paul,  nagparamdam kay Toni sina Sam Milby, Luis Manzano, Piolo Pascual, at Vhong Navarro pero si Direk Paul ang kanyang pinaburan ng kanyang matamis na oo.

Ricardo Cepeda bidang bading sa indie film

Matapos sumikat ang tumatakbong teleserye ng GMA, ang My Husband’s Lover na tinatampukan nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at Carla Abellana, tanggap na tanggap ngayon ang mga  gay role lalo na sa pelikula na kung tutuusin ay matagal nang ginagawa.

Sobrang may pagka-daring ang respective roles nina Jake Cuenca at Joem Bascon sa Lihis movie na kalahok sa Sineng Pambansa ng Film Deve­lopment Council of the Philippines.

Masaya namang ibinalita sa amin ng ex-husband ni Snooky Serna na si Ricardo Cepeda na siya ang bida ng Tinik na idinirek ni Romy Suzara for Sineng Pambansa filmfest. First gay role ito ni Ricardo in his entire acting career.

ANGELICA PANGANIBAN

ARA MINA

BOY ABUNDA AND CHARLENE GONZALES

CARLA ABELLANA

COUNCIL OF THE PHILIPPINES

DIREK PAUL

RICARDO CEPEDA

SINENG PAMBANSA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with