^

PSN Showbiz

Sila na at ‘completely unexpected’: Derek nagbababad sa dressing room ni Cristine

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tsikahang baklaan ang ginawa ni Regine Velasquez sa Sarap Diva na mapapanood bukas ng umaga sa GMA 7. Sinugod niya ang set ng My Husband’s Lover na kung saan nagpakitang gilas si Tom Rodriguez nang pagluto ng specialty niyang sausage and eggplant pasta.

Kasama rin sina Kevin Santos at Victor Basa na walang patumanggang nagkuwentuhan ng baklaan na na-enjoy ng husto ni Regine.

PAK: Inamin na ni Derek Ramsay na sila na ni Cristine Reyes. Magkasama sila sa pelikulang Trophy Wife ng Viva Films.

Ang paglalarawan pa nga ng hunk actor ay “completely unxpected” ang nangyari sa kanila ng aktres. Kaya siguro hindi na nila itatanggi ang narinig naming kuwentong laging nagbababad si Derek sa dressing room ni Cristine.

Totoo bang kahit na-pack up na raw ang aktres ay hinihintay pa nitong matapos si Derek para sabay na silang umalis sa location?

BOOM: Isinampa na ni Claudine Barretto ang kasong anti-violence against women and children na matagal na niyang binabalak gawin.

Suportado si Claudine ng grupong Gabriela at ng mga tagahanga na sumama sa kanya sa pag-file sa tanggapan ng Deputy City Prosecutor Linda Adame-Conos ng Marikina Regional Trial Court.

Umiiyak si Claudine na nagpahayag na ilang taon na raw niyang tiniis ang lahat na pang-aabuso mula kay Raymart.

Bahagi ng statement na binasa nito sa presscon: “During the years that I have been with him I have been in a constant fearful state of mind because I was cynically abused and controlled over a period of time.”

Galit din si Mommy Inday na nagsalita at nagbitaw nang matitinding pahayag laban sa manugang.

Ayon kay Mommy Inday, nung sa kainitan nang pag-aaway nina Raymart at Claudine, kinausap daw niya ang aktor.

“I told him you came to us for my daughter’s hand.

You said you’re gonna protect her with your life and you’ll take care of her.

“Obviously, you don’t take care of her and you’re not just protecting her life, and you’re becoming a danger to her life.

 â€œSabi ko sa kanya, sinasaktan mo ang anak ko? He vows down and he says, ‘Hindi pinalaki ako ang parents ko para manakit ng tao.’

“Sabi ko, ‘And you think I brought up my daughter para saktan mo?

“You know why, what you did to Tulfo is very dange­rous. In a few minutes he could have killed him and I don’t want my daughter dead because he’s dangerous,” ang bahagi ng pahayag ng galit na ina.

Humihingi nang paumanhin si Claudine sa kanyang magulang dahil nadamay sila sa gulo ng mag-asawa. Pero sinasabi ni Mommy Inday na patuloy sila sa pagsuporta sa ipinaglalaban ng anak.

Sinubukan naming hingan ng statement si Raymart kaugnay dito pero hindi pa ito sumasagot sa aming text.

                                                                

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

CRISTINE REYES

DEPUTY CITY PROSECUTOR LINDA ADAME-CONOS

DEREK

DEREK RAMSAY

MOMMY INDAY

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with