^

PSN Showbiz

Cristine bored sa presscon, walang ginawa kundi mag-text

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang bored attitude ni Cristine Reyes sa press launch ng Bukas na Lang Kita Mamahalin noong Miyerkules dahil text lamang siya nang text habang nagaganap ang press conference.

SCENE: Sinuportahan ng fans ni Dawn Zulueta ang presscon ng Bukas na Lang Kita Mamahalin dahil nagpagawa pa sila ng mga t-shirt na may nakatatak ng pangalan ng karakter na ginagampanan ng aktres sa bagong teleserye ng ABS-CBN.

SEEN: Ang mga litrato nang pagpunta sa Malacañang Palace noong Miyerkules ng gabi ng pork barrel scam suspect na si Janet Lim Napoles na ipinakita kahapon ni Secretary Edwin Lacierda sa presscon na ginanap sa palasyo ng Malacañang.

SCENE: Aktibo ang mga singer na sina Jim Paredes at Christian Bautista sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa pork barrel scam at pagnanakaw sa kaban ng ba­yan. Para kay Christian, “Stealing is stealing. Whether big or small. Let’s also check ourselves.”

SEEN: “Yung iba, instead na ma-proud, hahanap talaga ng butas para laitin, ibaba, at saktan ka,” ang reaksiyon ni Charice sa kanyang mga basher na nilalait ang pagkanta niya ng US National Anthem sa Major League Baseball Beacon Awards sa Chicago noong Aug. 24.

SCENE: My Little Bossings na ang pamagat ng pelikula nina Vic Sotto at Kris Aquino na official entry sa Metro Manila Film Festival.

Sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino ang mga gaganap na little bossings.

SEEN: Maghaharap sa unang pagkakataon sa darating na Linggo sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino.

Naging honest si Ryzza Mae nang sabihin nito na hindi niya kilala si Bimby sa kabila ng pagkakaroon nito ng mga TV commercial at constant TV exposure.

SCENE: Ang testimony kahapon ni Commission on Audit Chairperson Grace Pulido-Tan sa Senate blue ribbon committee tungkol sa pork barrel scam.

Naalaala ng mga nanonood ng senate inquiry si ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez dahil hindi nagkakalayo ang hairstyle nila ni Pulido-Tan.

vuukle comment

AUDIT CHAIRPERSON GRACE PULIDO-TAN

BIMBY AQUINO

BUKAS

CALAUAN MAYOR ANTONIO SANCHEZ

CHRISTIAN BAUTISTA

CRISTINE REYES

DAWN ZULUETA

LANG KITA MAMAHALIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with