Aktres umeepal na director, mga kasamahang artista buwusit na buwusit na
Hindi naaaliw ang mga kasama ng aktres na ito sa isang soap dahil pumapapel na director. Pinakikialaman daw ng aktres ang acting ng co-stars niya sa soap, hindi naman siya ang director at mas grabe ang reaction ng ibang mga kasama na mas nauna pa sa kanyang mag-artista.
Ang hindi naman namin maintindihan, baÂkit hindi isumbong ng mga naiinis na co-stars ang aktres sa kanilang director at pinababayaan itong umastang assistant director. Parang wala namang magagawa ang production staff kung sa kanila magsusumbong ang mga kasama ng aktres.
Baka nakakalimutan lang ng aktres na may director sila sa set at minsan, ginagawa nito ang trabaho ng kanilang director.
Boyet sinunod ang manager kaya nag-iikot sa mga network
Sinunod ni Christopher de Leon ang payo ng manager niyang si Lolit Solis na ‘wag pipirma ng exclusive contract sa alinmang network para makapili ng magandang project. Dahil dito, nakakapag-network hopping ang aktor at kung alin ang mas magandang material na offer, ‘yun ang tinatanggap niya.
Sunod na mapapanood si Boyet sa ABS-CBN soap na tampok sina Angel Locsin at Jericho Rosales and he’ll play Angel’s father. Naghihintay na lang siya ng tawag para masimulan na ang taping.
Bale reunion nina Boyet at Angel ang pagsasamahan nilang soap dahil nagkasama na sila sa sitcom na All Together Now ng GMA-7. Excited na rin siya to work with Jericho, Maja Salvador and director Rory Quintos.
Sa ngayon, busy muna si Boyet sa pagpo-promote ng musical play na Lorenzo na siya ang producer under Green Wings Entertainment Network. Natutuwa ito dahil in-endorse ito ng DepEd at ng simbahan at may endorsement letter pa ngang pirmado ni Archbishop of Lingayen Dagupat Socrates B. Villegas.
Ang daming kuwento ni Boyet tungkol sa buhay ni San Lorenzo Ruiz na pinagbabasehan ng musical play. Curious kami kung paano i-execute ni director Nonon Padilla ang mga eksena saliw sa rock music na sinulat ni Ryan Cayabyab.
Sa September 5, 6, 7, 12, 13, at 14 at 1pm., and 6 p.m., mapapanood ang Lorenzo sa
SDA Theater ng College of Saint Benilde.
Alden todo-workout para makarampa, isinisingit pag walang trabaho
May lumutang na tsika na si Alden Richards ang nasa back cover ng Cosmo Men Special, na kasama sa September issue ng Cosmopolitan magazine at hinihintay ng mga beki at kababaihan. May tsika ring isa siya sa 10 sexy male celebrities na featured sa centrefold ng special,
Ayaw itong kumpirmahin ng aktor nang makausap namin sa taping ng Mundo Mo’y Akin at hintayin na lang daw ang announcement ng Summit Media.
Worried that time si Alden dahil hindi siya makapagworkout dahil sa taping ng Mundo Mo’y Akin at ang ginagawa, ‘pag may free time, pumupunta sa gym para mapaghandaan ang pagrampa sa Sept. 24.
Samantala, hindi pa alam ni Alden ang next show niya na last week na next week at may blurb na The Beautiful Ending. Masaya siyang naging part ng soap at makasama ang magagaling na artista sa pangunguna ni Jaclyn Jose with her funny and witty adlibs.
Dennis magkakaroon na rin ng concert
Natawa kami dahil in-announce ni Dennis Trillo sa guesting niya sa The Morning Rush ng RX 93.1 na may concert sa October ang cast ng My Husband’s Lover. Ayaw pang ipasulat ang tungkol doon at may mga inaayos pa. Kaya ‘pag isinulat ng press, puro pahaging at “big event†lang ang sinasabi namin.
Maraming magandang nagawa ang MHL sa cast, nakita ang husay na aktor ni Dennis Trillo, napansin ang laki ng improvement sa acting ni Carla Abellana at nakitang may ibubuga rin sa acting si Tom Rodriguez.
- Latest