^

PSN Showbiz

Jurassic monsters nasa Snow World

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ang naglalakihang dinosaurs kagaya ng T-rex, ang lumilipad na Pterodactyl, at iba pang naglalakihang monsters ng Jurassic era ang siyang makikita ngayon sa inyong pagpasok sa Snow World sa Star City. Iyon ngayon ang tema ng nasabing attraction na ginawa naman nila dahil sa napakara­ming requests mula sa kanilang mga regular visitors.

Sinabi rin ni Thomas Choong, na siyang nag-imbento ng snow machine na ginagamit ng Snow World na, “maraming mga labi ng mga dinosaurs na nakuhang nakabaon sa yelo, at dahil sa lamig ay na-preserve sila, kaya napag-aralan ng mga siyentipiko ang kanilang uri at ang kanilang hitsura. Iyon ang dahilan kung bakit gumawa naman kami ng mga figures nila sa yelo.

  â€œSinimulan namin iyan noong nakaraang taon, nang gawin naman namin ang mga monsters sa ilalim ng dagat. Nagustuhan iyon ng mga tao dahil educational nga, kaya itinuloy naman namin ngayon iyang mga dinosaurs dahil hindi lang entertaining sa mga dadalaw sa amin, educational pa. Noong nakaraang taon, mas maraming taong nagpunta sa Snow World kaysa sa alin mang panahon.”

Bukod sa mga naglalakihang dinosaurs, mas pinaganda pa ngayon ang giant ice slide ng Snow World. Iyan ang pinakamalaking manmade ice slide sa buong Asya. Nilagyan pa iyon ng magagandang ilaw na ipinasadyang gawin para sa ice slide.

Ang Snow World na matatagpuan sa Star City ay bukas mula alas-kuwatro ng hapon kung weekdays at mula alas-dos ng hapon kung weekends.

 

ANG SNOW WORLD

ASYA

BUKOD

IYAN

IYON

SNOW WORLD

STAR CITY

THOMAS CHOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with