Bilang pakikiisa kay Angel: Phil ibabahagi ang kalahati ng kikitain sa football match
Nagsilbing inspirasyon kay Phil Younghusband si Angel Locsin na tumutulong lagi sa mga biktima ng baha dahil sa bagyong Maring at habagat. Bukod sa paggamit ng social media kung saan nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga binahang lugar, lumusong pa rin ang aktres sa kasagsagan ng matinÂding baha para tumulong sa mga nasalanta.
Ayon sa kuwento ni Phil, humanga siya sa kanyang nobya dahil tatlong sunud-sunod na araw itong tumutulong na mag-pack ng relief goods, namamahagi, nagdo-donate, at nakikipag-ugnayan sa Philippine National Red Cross.
Kaya naman naisip ni Phil na i-donate ang 50% ng ticket sales nila sa charity football match sa mga naapektuhan ng bagyo na tiyak na ikatutuwa ni Angel.
Bukod sa Toda Max at It’s Showtime ay magiÂging abala na ang aktres sa teleseryeng Hanggang Kailan Kita Mamahalin katambal si Jericho Rosales.
Barretto sisters wasak na wasak
Nakalulungkot naman na nagkawatak-watak na ang relasyon bilang magkakapatid nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto. Mga masasakit na salita ang pinakakawalan ng bawat isa na masyadong personal na.
Hindi kaya magagawan ng paraan ng mga magulang nila na pagkasunduin ang mga anak o kung hindi man ay tumahimik na lang kahit may mga away sila?
Nakakarinding pakinggan ang patutsadahan ng bawat isa na pinagpipistaÂhan na ng kahit hindi mga reporter.
Barbie nag-iba ang karakter
Hindi namin pinalalampas ang Anna Karenina dahil sa magandang pagsasamahan ng tatlong bida na sina Kristal Reyes, Barbie Forteza, at Joyce Ching.
Pero nagbago ang daloy ng istorya dahil ang dating mabait na si Barbie ay isa nang rebeldeng bata ngayon. Nagka-cutting classes, marunong mandaya at magsinungaling nang iturong si Nina (Joyce) ang nahuling nangopya. Pero nakonsensiya naman at humingi ng tawad sa lolo at sinabing siya ang may kagagawan.
Mabuti na lang at sinabing magbabago na siya dahil hindi nagugustuhan ng mga tagahanga ang pagbabagong ugali ni Barbie.
- Latest