Christopher ayaw tuldukan ang ambisyong mapasok ang pulitika
PIK: Nag-tie ang Tropang Trending at Instagang sa Sunday All Stars nung nakaraang Linggo.
Parang pinagkaisahan pa naman ng tatlong teams ang Tropang Trending na laging nananalo. Pero magaling talaga itong team ni Rochelle Pangilinan kaya sobrang na-challenge ang lahat na teams.
Mabuti’t naka-tie nito ang Instagang kaya mas matindi ang pinaghahandaan ng mga Kapuso stars sa darating na Linggo dahil hindi na raw sila makakapayag na magwawagi uli ang Torpang Trending.
PAK: Hindi pa isinasara ni Christopher de Leon ang posibilidad na balikan ang pulitika.
Kahit hindi maganda ang karanasan niya nung nakaraang eleksiyon, nagpapasalamat pa rin siya sa pulitika dahil sa marami naman siyang natutunan.
“Hindi lang naman ito educational, it’s public service first and foremost. Masarap din dahil I was able to come up with the first environmental code of the province of Batangas.
“I will never say never kasi tadhana na talaga ang makapagsabi kung babalik ka pa ba o hindi,†pahayag ng magaling na aktor.
Sa gitna ng isyu ng pork barrel, gusto pa rin naman niyang magsilbi at makagawa ng batas para sa kanyang constituents, hindi para gumastos ng milyun-milyong pork barrel.
Sa ngayon ay pinagkakaabalahan ni Boyet ang musical play na Lorenzo na matagal na niyang tinatrabaho at magsisimula na ito sa Sept. 5 hanggang 14 sa DLS-College of St. Benilde sa Taft Ave., Manila.
BOOM: Marami ring taga-showbiz ang sumali sa Million People March na ginanap sa Luneta Park kahapon.
Ilan sa mga naunang dumating sa Luneta ay ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, Willie Revillame, ang character actor na si Ronnie Lazaro, at nagsunuran na ang magkakaibigang Raymond Gutierrez, Georgina Wilson, at Isabelle Daza.
Pero ang pagkakaalam namin, may sumali sa naturang rally na nakinabang ang pamilya ng milyun-milyon kay Janet Lim-Napoles.
- Latest