^

PSN Showbiz

Sam nililigawan na si Jessy kahit malaki ang agwat ng edad

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Ilang taon na ring walang kasintahan si Sam Milby. Ginulat ng aktor ang lahat nang aminin sa The Buzz noong Linggo na nililigawan na niya ngayon si Jessy Mendiola.

“Nililigawan ko si Jessy. She’s aware. I did let her know my intentions, yes. I like her. She’s beautiful. I like her simplicity. Hindi siya maarte,” pagtatapat ni Sam.

Malayo ang agwat ng edad ng dalawa dahil 29 years old na si Sam at 20 years old pa lamang si Jessy pero umaasa ang aktor na hindi magiging hadlang ang kanilang age gap kung sakaling magbunga ang kanyang panliligaw sa dalaga.

“I think a lot of times she’s misunderstood, too. Masyado siyang bata pero she’s mature for her age. I can’t say na I know her that well but the times that I’ve hang out with her have been fun,” paliwanag ng binata. Kinumpirma rin ni Jessy sa pamamagitan ng pinadalang statement kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila ng aktor.

“Oo, nanliligaw siya. Single ako at single siya, so, bakit naman hindi? Pero we go out lang naman and hang. Nothing super serious since alam niyang prio­rity ko ang career ko. He’s a very sweet and nice guy so I don’t want to close any doors naman and why not let him get the chance na makilala ako and gano’n din ako sa kanya? Let’s see how it goes na lang,” pahayag ni Jessy.

Matatandaang unang nagkatambal ang dalawa sa episode ng Maalaala Mo Kaya noong isang taon.

Janine humabol ng paliwanag tungkol sa ginawang paglaglag sa bf

Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang magkahiwalay sina Janine Tugonon at ang non-showbiz boyfriend nitong si Jaypee Santos. Umani nang pambabatikos ang Miss Universe 2012 1st runner-up dahil sa pinagmukha nitong kawawa ang dating karelasyon dahil naugnay din si Janine noon kay Danny O’Donoghue ng bandang The Script nang hiwalayan ang dating kasintahan.

Ngayon ay matapang na hinarap ng beauty queen ang mga naging alegasyon sa kanya noon.

“The truth is there’s a bigger story behind that breakup. I wanna keep it private as much as possible pero hindi lang ‘yung The Script eh. It’s more than that,” bungad ni Janine. “Yes that’s one. Actually, we talked even after that and right now we’re really good friends.”

Matatandaang noong April pa naganap ang kontrobersiyal na pag-amin ni Janine sa programang Kris TV tungkol sa tunay na estado nila ni Jaypee. Mula noon ay maraming maaanghang na salita na ang ibinato kay Janine sa iba’t ibang social networking sites.

“I kept quiet because during that time there’s nothing I can say that can actually change what people think about me kasi ’yun na ’yun eh. It’s already set in their minds,” paliwanag ng dalaga.

Hindi rin daw totoo ang napabalitang nag-date sila ng bokalista ng The Script.

“Natawa ako sa issue na we’re dating. Unang-una, how can that happen when he’s in the other side of the world? I think we just talked. I admit I got attracted. Of course who wouldn’t? I’ve loved the band ever since,” giit ni Janine.

Samantala, ngayon ay ang pamangkin naman ni Piolo Pascual na si Benjamin Alves ang sinasabing bagong kasintahan diumano ng beauty queen.  

“We’re not even dating. It’s funny because people saw us in Cinemalaya and they thought it was a date,” natatawang pahayag ni Janine. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                     

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

DANNY O

ILANG

JANINE

JANINE TUGONON

JAYPEE SANTOS

JESSY

JESSY MENDIOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with