^

PSN Showbiz

Pagkatapos nang ginawa ni Billy, Nikki Gil balik-eksena na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-uumapaw na kaligayahan sa ASAP 18 ngayong Linggo (Agosto 25)  matapos ang malawakang bahang dulot ng pananalasa ng bagyong Maring at habagat.

Pangungunahan ang programa ng Be Careful With My Heart star na si Richard ‘Sir Chief’ Yap at ng phenomenal box-office star na si Vice Ganda, na gagawaran ng gold record award para sa kanyang self-titled album sa ilalim ng Star Records.

Bukod sa espesyal na regalo sa viewers nina Vice at Sir Chief, samahan din ang buong ASAP Kapamilya sa engrandeng pagsalubong sa lead stars ng pinakaabangang Primetime Bida TV series na Got to Believe na pangungunahan ng Teen King and Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kasama ang co-stars nilang sina Manilyn Reynes, Benjie Paras, Ian Veneracion, at Carmina Villarroel; at sa cast members ng award-winning crime-thriller film na On The Job (OTJ) na sina Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Empress, Dawn Balagot, at Gerald Anderson.

World-class talent naman ang ibibida sa center stage sa astig na rock performance ni Daniel kasama ang kanyang banda na Parking 5; at sa hindi dapat palampasing talent showcase ng sikat na hip-hop artist na si Abra, ng Shirley Halili-Cruz Ballet Company, at ng Hail Mary the Queen Children’s Choir.

Samantala, huwag palampasin ang hottest face-off ng ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga kasama ang kanyang kapatid na si Alex Gonzaga sa segment na  T Zone; na susundan ng bonggang birthday bash para sa Kapamilya TV host-actress na si Nikki Gil na babalik sa eksena matapos ang hiwalayan nila ni Billy Crawford.

 Back-to-back na pasiklaban sa paghataw naman ang masasaksihan sa supah hot ‘MASH’ segment ng dance floor royalties na sina Shaina at Maja Salvador, at sa makapigil-hiningang Supahdance showdown nina Enrique, Kim Chiu, Enchong Dee, Iya Villania, Denise Laurel, Karylle, Meg Imperial, at John Prats.

Ipagdiwang at ipagmalaki ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa madamdaming pag-alala sa nag-iisang Da King na si Fernando Poe Jr. nina Yeng Constantino, Jovit Baldivino, Angeline Quinto, Juris, at Gary Valenciano; sa engrandeng tribute nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Jed Madela, at ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra para sa dating senador na si Ninoy Aquino; at sa mapusong regalo nina Bamboo at Aiza Seguerra para sa mga kababayang nasalanta ng bagyo.

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALEX GONZAGA

ANGELINE QUINTO

BE CAREFUL WITH MY HEART

BENJIE PARAS

BILLY CRAWFORD

CARMINA VILLARROEL

DA KING

SIR CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with