^

PSN Showbiz

Eugene ‘Shooting Star’ ang gustong title

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang bilis ng sagot ni Eugene Domingo sa ta­nong ng press kung anong gusto niyang maging title? “Gusto ko ng Shooting Star na title dahil gusto kong mag-shooting lang nang mag-shooting,” sagot ni Eugene na tuwang-tuwa yata sa idea na may title na rin siya.

Si Eugene na yata ang may pinakamaraming nagawang pelikula this year dahil anim ang natapos niya kasama ang Instant Mommy na showing sa August 28. Nagulat nga ang leading man niyang si Yuki Matsuzaki dahil hindi nga naman puwede sa Hollywood maraming ginagawang pelikula sa isang taon ang artista.

Dahil sa sunud-sunod na pelikula, hindi makagawa ng teleserye si Eugene, hanggang Celebrity Bluff muna siya at very proud siya sa show na Season 4 na. 

Ngayon lang nag-i-enjoy si Eugene sa kanyang career dahil sa rami ng artista, hindi siya nawawalan ng project sa TV at movies. Dahil freelancer sa TV, nakakapili siya ng project at nakakapagtrabaho sa different networks.

Happy din si Eugene na nakakapareha ang tinawag na “hot leading men” at kasama rito si Yuki, Jake Cuenca, Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. Bagong kapareha niya si Sam Milby at Paulo Avelino sa Status: It’s Complicated at nadulas nang sabihing may special appearance si Dingdong sa part two ng Kimmy Dora.  

Alessandra nadiskubre na may talent sa tulong ni Heart

May storycon dapat kahapon ang Afternoon Prime ng GMA 7 na Bayarang Puso, pero hindi natuloy.

Malaki ang cast ng Bayarang Puso sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes sa pangunguna ni Heart Evangelista at kasama sina Sid Lucero at Dominic Roco. Narito rin sina Alessandra de Rossi, Katrina Halili, Isabel Oli, Ana Capri at Celia Rodriguez.

Masaya tiyak si Heart dahil muli silang magkaka­trabaho ni Alex na isa sa bestfriend niya sa showbis. Maganda ang samahan ng dalawa dahil kahit walang trabaho, nagkikita sila at nabanggit din ni Alex na si Heart ang rason kung bakit nadiskubre niyang may ta­lent pala siya sa painting.

Nakita pala namin sa Instagram account ni Heart ang picture nila ng kanyang ama na magkayakap. Kitang-kita ang tuwa sa mukha ng ama ng aktres sa pagkikita nila ng anak at siguradong ikinatuwa ni Heart ang positive comments ng kanyang followers. Kailan naman kaya makikitang magkayakap sina Heart at kanyang ina?

Gladys pinakikialaman ang desisyon ng asawa

Naloloka si Lolit Solis dahil hindi siya ang manager ni Christopher Ro­xas, pero siya ang tinatawagan ng staff ng Pyra, Babaing Apoy para sa taping schedule nito. Si Gladys Reyes na asawa ni Christopher lang ang talent niya dahil Viva talent si Christopher, baka magalit daw sa kanya ang VAA.

Magkasama sina Gladys at Christopher sa Pyra at sabi ng una, kontrabida pa rin ang role niya, pero ang asawa na first time sa GMA 7, bida agad ang role. Hindi rin sila ang magkatambal dahil si Roxanne Guinoo ang kapareha ni Christopher.

‘Kaaliw ang mag-asawa sa Q&A at natawa ang press sa sinabi ni Christopher na minsan, may desisyon siya, pero si Gladys pa rin ang nasusunod. 

Serye ni Ogie hindi pa buo ang cast

Kung hindi mababago ang schedule, sa September 5 na ang first taping day ni Ogie Alcasid ng The Gift, ang teleserye na gagawin niya sa TV5. Hopefully, bago ang taping, kompleto na ang cast dahil as of Thursday, sina Nadine Samonte at ang childstar na si Joshen Bernardo pa rin ang narinig naming kasama ni Ogie.

Si Mike Tuviera ang director ng The Gift at ang Archangel Media ni Mr. Tony Tuviera ang line producer ng sisimulang teleserye.

Sa September 15 naman ang pilot ng The Mega and The Songwriter musical show nila ni Sharon Cuneta. Also, na-tweet ni  Ogie na nakipag-meeting na siya sa music department ng TV5 na kanyang pamumunuan.

 

 

 

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ALESSANDRA

ALEX

BAYARANG PUSO

DAHIL

GLADYS

OGIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with