Claudine may bagong kalaban!
Hindi lang ang pamilya Santiago ang kalaban ngayon ni Claudine Barretto, dumarami pa. Tingnan natin ang magiging reaksiyon ni Sherilyn Reyes, na idinamay na rin niya. Magsalita kaya ito in her favor o baka naging against din ito sa kanya?
Sana, ayusin na lang nila ni Raymart ang problema nila at huwag nang magdamay pa ng iba. Tama din na huwag muna siyang mag-movie at this point dahil hindi magiging beneficial sa kanya.
Kristoffer naka-deliver hanggang ending
Napanood n’yo na ’yung final day ng Kakambal ni Eliana? Isa ’yun sa mga palabas ng GMA na talagang ginawang masaya ang ending. Naging magandang behikulo rin ’yun para sa mga bida nitong sina Kim Rodriguez at Kristoffer Martin.
Nagawa namang makapag-deliver ng dalawa lalo na sa acting. Isa ’yung patunay na puwede pa ring maging effective na katambal si Kristoffer kahit may Joyce Ching na siya. Cute ’yung eksena nila ni Kim na nagkasundo na sila. Pati kissing scene nila ay tama lang, hindi masasabing mainit pero hindi rin smack lang.
Kaya ayaw patakbuhin, mga kapatid kilalang-kilala si Kris
Hindi pala aprub ang sisters ni Kris Aquino sa balak niyang pagpasok sa pulitika. I wonder why eh, bukod kay Ninoy na napaslang dahil sa pulitika, maganda naman ang naging record ni Tita Cory as president. Maganda rin naman ang ipinakikitang performance ni PNoy ngayon.
O baka naman may alam sila tungkol kay Kris na hindi suitable para sa isang nagnanais maging public servant? Ano man ’yun, sundin naman kaya sila ng kanilang bunsong kapatid?
- Latest