^

PSN Showbiz

Male showbiz personality nasa America ang bf!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May boylet daw sa America ang isang showbiz personality na naba­balitang binabae.

Ayon sa isang nagkuwento, ito ang dahilan kaya gustong magpabalik-balik sa Amerika ng showbiz personality.

Pero lihim na lihim pa raw ang kalagayan ng showbiz personality dahil makakasira ito reputasyon niya oras na mabuko at malaman ng marami.

Wala rin kasing nagsasalita tungkol sa ‘problema’ ng showbiz personality kaya hanggang tsismis lang daw ang lahat tungkol sa pagiging gay nito.

So aabangan daw kung mangyayari ang pinakahihintay na oras ng mga mahilig sa tsismis sa showbiz.

Rufa Mae masaya na rin sa kinahinatnan ng relaunching movie kahit binagyo

In fairness, masaya na rin daw si Rufa Mae Quinto sa naging resulta ng pelikula nilang Ang Huling Henya na nagsimulang ipa­la­bas sa mga sinehan noong Miyer­ules, kasagsagan ng Bagyong Maring at Habagat.

Yup, kasama ang relaunching movie ni Rufa Mae sa nabiktima ng nag­daang kalamidad na nagdala sa buong Luzon ng matinding baha dahil sa malakas at walang tigil na pag-ulan.  

Maganda raw kasi ang naging feedback. Pinuri nila si Rufa Mae dahil nag-level up na nga ang akting niya sa pelikulang ito.

Hindi na lang daw basta patili-tili at pagpapa-sexy ang ginawa ni Rufa, nag-drama na siya at ang mas matindi, nag-action pa siya.

 â€œSana manood naman kayo, sa mga hindi pa nakakapanood. Alam n’yo na. Go go go,” sabi ng sexy actress na naniniwalang wala namang ipinanganak na boba, choice na lang daw ‘yun ng isang tao kung gusto niyang maging boba.

Kung sabagay bago naman sinimulan ang pelikulang ito, sinabi ng sexy actress na nag-seryoso siya sa pagwo-workshop sa PETA (Philippine Educational Theater Association) at naglaan ng oras sa matinding training in Muay Thai, boxing and firing for her physically demanding action scenes as well.

 â€œSiyempre gusto ko rin namang magka-award. Hahaha. Joke lang. But kidding aside, ibang-iba ako rito,” sabi niya uli na natatawa.

Showing pa rin ang pelikula sa almost 100 theaters nationwide.

Top 24 ng The Voice tuwing commercial break lang puwedeng iboto

Sasabak na ang Top 24 artists mula sa apat na teams ng The Voice of the Philippines sa Live Shows simula ngayong Linggo (Aug. 25) upang harapin ang dalawang desisyon na magtatakda sa kanilang kapalaran – ang pagligtas ng coaches at ng taongbayan.

Tatlong artists kada team ang unang magpe-perform ngayong Linggo ng awiting parehong pinili nila at ng kanilang coach.

Sasabak sina Thor Dulay, Cora dela Cruz, at Jessica Reynoso upang itayo ang bandera ng Team Apl; sina Radha, RJ dela Fuente, at Darryl Shy para sa Team Lea; Junji Arias, Morrisette Amon, at Eva Delos Santos para sa Team Sarah; at Lee Grane, Myk Perez, at Talia Reyes para sa Team Bamboo.

Kakaiba ang voting scheme para sa Live Shows dahil sa ka­una-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine TV, maaari lamang bumoto ang publiko habang commercial breaks. Pagkatapos ng performances ng tatlong artists ng bawat team, saka bubuksan ang botohan at isasara naman pagkatapos ng isang commercial break. Ilalantad naman ang resulta ng botohan ng lahat ng teams sa pagtatapos ng show.

Ang artist sa bawat team na makakatanggap ng pinakamataas na percentage ng votes ang siyang unang maililigtas. Sa dalawang artists namang matitira ay mamimili ang coach ng isang artist na kanyang ililigtas at isang papauwiin na.

 

ANG HULING HENYA

BAGYONG MARING

DARRYL SHY

EVA DELOS SANTOS

JESSICA REYNOSO

JUNJI ARIAS

LEE GRANE

LIVE SHOWS

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with