High-tech na plaka ng DOTC at LTO makakatulong ba para maproteksiyunan ang mga motorista?
MANILA, Philippines - Hihimayin ni Ted Failon ang proyekto ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at Land Transportation Office’s (LTO) na palitan ng moderno at high-tech na plaka ang lahat ng uri ng sasakyan sa bansa ngayong Sabado (Agosto 24) sa Failon Ngayon.
Ayon sa DOTC, sa pamamagitan ng makabagong features ng mga bagong plaka ay mas mabibigyan ng seguridad ang mga motorista, maging ang mga sibilyan sa mga aksidente at krimen. Ilan lamang sa special features nito ay ang pagkakaroon ng security images at security lock.
“Maiiwasan na ang pagnanakaw at pamemeke ng mga plaka ng sasakyan, pati na ang carnapping, kolorum na sasakyan, at smuggling,†pahayag ni DOTC Spokesperson Michael Arthur Sagcal.
Ganoon pa man, kinukwestiyon naman ng ilan kung maipapatupad ng maayos ang proyekto. MaÂkaÂkatulong nga ba ito sa paglutas ng mga krimen? O hindi naman kaya masayang lamang ang pondong inilaan ng gobyerno para dito?
Samantala, bubusisiin din ni Ted kung bakit patuloy pa rin ang operasyon ng kumpanyang Sulpicio Lines, na ngayo’y Philippine Span Asia Carrier Corporation (PSACC) na, kahit pa palaging nasasangkot ang mga barko nito sa iba’t Ibang aksidente sa dagat mula noong 1980s kabilang na ang aksidente kamakailan sa Cebu na kumitil ng 70 katao, habang marami pa rin ang nawawala.
Tatalakayin din sa episode ang The Republic Act 4653 na legalisasyon ng pag-angkat ng mga gamit na damit o ukay-ukay sa bansa. Kaya panoorin ang mas matapang na Failon Ngayon ngayong Sabado (Agosto 24), 4:45 PM, pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN.
- Latest